AWMB 11- Camping and Stars

553 19 1
                                    

Ushiza_Tsuki


Chapter 11 – Camping and Stars

Seattle’s POV

Ang saya naming dalawa ni Time sa mga oras na ito, palagi naman akong nagcacamping pero ito ang masasabi kong pinakamasayang camping na aking ginawa. Bukod sa maganda ang lugar na ito ay masaya ako dahil kasama ko ang aking bestfriend.





“Brad, tama na iyang pagkain mo ng marshmallows. Baka masobrahan ka at tawagin ka pa ng kalikasan. Sige ka, hindi kita sasamahang magbawas sa gubat.” Pagsita sa akin ni Time, napasarap kasi akong kumain ng inihaw kong marshmallows kaya hindi ko na napigilang kumain ng kumain.






“Last stick na lang oh.” Pakita ko sa kanya ng huling sticks na hawak ko. Noong maluto ko ito ay hindi ko ito kinain, tinutok ko ito sa bibig niya at isinubo sa kanya, kinain niya naman ito.







Pagkatapos noon ay hinila niya ako papunta sa nakalatag na sapin at doon ay umupo kami.





Pinagmasdan namin ang magandang gabi, maaliwalas ang kalangitan ngayon kung kaya’y kitang-kita namin ang mga nagkikislapang bituin, gayundin ang crescent na buwan. Bukod sa mga bituin ay maganda ring pagmasdan ang mga ilaw na nagmumula sa mga kabahayan at establishments mula sa baba, tila mga bituin din ito kung pagmamasdan.







“Ang ganda ng view dito brad no?” Tanong sa akin ni Time habang pinagmamasdan namin ang magandang tanawin.






“Oo nga brad, di mo lubos akalain na tila mga bituin ang mga ilaw na nagmumula sa mga kabahayan. Ang gandang pagmasdan ang sari-saring mga liwanag.” Pagsang-ayon ko naman sa kaniya. Nahiga ako at tinitigan ko naman ang kalangitan.






“Mabuti na lang at maganda ngayon ang panahon. Madaming bituin kaya’t sigurado akong hindi uulan. Maliwanag pa ang buwan.” Sabi ulit nito at nahiga rin siya sa aking tabi. Noong humiga siya sa aking tabi ay isinutsot niya ang kanyang balikat sa aking batok upang iyon ang gawin kong unan, samantalang ginawa niya namang unan ang kanyang mga kamay. Nagtataka na nga ako kung bakit ba tuwing nakahiga kaming magkatabi ni Time ay palagi niya nalang pinapaunan sa akin ang balikat o ang dibdib niya.








“Tingnan mo ang mga bituin, nagkikislapan. Ang saya nilang tingnan lalo na’t parang nakangiti ang buwan."





“Tama ka. Tingnan mo ang bituing iyon brad. Iyon ang pinakamaliwanag sa lahat.”




“Ayon naman ang constellation ng big dipper brad oh. Hanapin mo nga ang small dipper.”





“Ayon ang small dipper oh. Ang dali lang namang hanapin.” Turo naman nito sa pinapahanap kong constellation.






Pinagmasdan lang namin ang ganda ng mga bituin at nag-usap ng kung ano-ano sa ilalim ng buwan, bituin at kalawakan.







“Brad, humanap tayo ng sarili nating constellation.” Alok sa akin ni Time.







“Huh? Paano yun?” Nagtataka kong tanong sa kaniya.





“Simple lang, gumawa tayo ng sarili nating constellation sa mga stars na iyan.” Sagot naman nito.






At iyon nga ang aming ginawa, humanap kami ng stars at pinagdugtong-dugtong ang mga ito hanggang sa makabuo kami ng imahe.







“Iyon ang constellation nating dalawa, hugis arrow. Kaya kapag gabi at tumitingin ka sa langit ay hanapin mo ito, dahil ito ang magtuturo ng ating mga direksyon.” Ang wika nito habang tinuturo niya ang constellation na ginawa niya.





Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon