AWMB 1- Si Bestfriend

2.3K 36 2
                                    

"Affair with my Bestfriend"

Ushiza_Tsuki

"Ano ba talaga tayo? Meron bang tayo? Magdesisyon ka namang mabuti para mailugar ko na ang aking sarili. Hindi...'di ko na alam kung tama ba ang ginagawa nating ito dahil may sinasaktan na tayong tao!" Pagbubuhos ng emosyon ni Seattle, di ko na rin alam kung ano pa ang isasagot ko sa kanya.

"Hindi lang naman ako ang kailangang magdesisyon sa sitwasyon nating ito! Eh hindi ko nga rin alam kung meron bang tayo?! Ang alam ko lang naman ay lihim lang tayo at hanggang lihim lang ang kaya kong gawin sa kalagayan nating ito!" Sagot ko naman sa kanya na nagpipigil ng inis.

Biglang natahimik si Seattle at tila nagulat sa sinabi ko. Natigilan din ako at inisip kung ano ba ang mga pinagsasabi ko. Ako'y napatulala at sa pagbalik ng aking ulirat ay nakita ko ang bestfriend kong tumalikod na at tumatakbo papalayo sa akin.

Chapter 1 - Si Bestfriend

Time's POV

"Brad tara na! Samahan mo na ako sa canteen kasi nagugutom na ako." Aya sa akin ng bestfriend kong si Seattle.

Nakatambay lang kami ngayon dito sa loob ng classroom dahil walang pasok ang second subject namin this morning. Si Seattle Sean De Roxas and pangalan ng bestfriend ko, 17 years old siya at may 5'5 na height at mataas ako ng kaunti sa kanya sa height kong 5'6, o diba kunti lang talaga. Almost 4 years ko na siyang bestfriend since Grade seven pa, masasabing sa hirap at kakulitan siya ay ang aking karamay.


"Sige brad wait mo lang ako, kukunin ko lang ang aking wallet sa bag." Sagot ko naman at kaagad na kinuha ang aking wallet sa bulsa ng bag ko.

Agad naman akong sumama sa kanya at inakbayan ko siya papuntang canteen.

Pagkabili ng pagkain ay pumunta kaming tambayan at nandoon na nga ang iba naming mga classmates at kaibigan.

Kanya-kanyang gawain ang kanilang mga ginagawa doon, siyempre 'di mawawala ang kumakain, merong natutulog, may nag-uusap, naglalaro ng ML at may nagti-Tiktok, siyempre meron namang may hawak ng libro at nagbabasa.

"Brad sa iyo nato 'di ko maubos eh." Bigay sa akin ni Seattle ng tira niyang lasagna, siyempre ako'y hindi na tumanggi dahil food is life si ako. At isa pa ay pipilitin din ako nitong bestfriend ko hanggang sa mapilit niya akong kainin ang pagkain.

Oras ng klase at ako'y antok na antok talaga. Hindi niyo naman ako masisisi dahil last subject ito sa morning at talagang nakakagutom pa.

"Oh, Time! Parang antok ka ah? Punta ka nga dito sa harap at idrawing mo dito sa board ang graphic organizer na ito." Paggising sa natutulog kong diwa ng aming guro. Nagulat na lamang ako at agad na pumuntang chalkboard.

"Deserve! Ayan midnight talk pa kayo ng jowa mo." Pabulong na sabi ni Seattle at siyempre rinig na rinig ko iyon dahil siya ang katabi ko sa upuan.

Habang ginagawa ko ang graphic organizer ay syempre magpapakilala ako. Ako si Time Machay Flores, 'Di ba nakakatawa ang pangalan ko, ewan ko ba sa parents ko kung bakit yan ang pangalan ko, di nalang ginawamg time machine inartehan pa kasi. Gaya ng sabi ko ako ay 5'7 in height at 18 years old na. Ako ay Senior High School Student at kasalukuyang nasa Grade eleven.


"Okay class, dismissed! Enjoy your lunch." Sabi sa amin ng aming guro noong matapos na ang klase.

Kanya-kanya kaming ayos ng aming mga gamit at pumunta na kaming tambayan para doon kumain. Ang tambayang sinasabi ko ay para siyang kubo pero malaki siya, basta kasya ang mga fifteen students. Doon kami palaging kumakain, nagsstudy at natutulog kapag walang magawa.

Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon