Ushiza_Tsuki.
Chapter 3 – Literal na Kisspirin
Seattle’s POV
Hindi ko namalayan na bigla akong nakatulog pagkadating ko ng bahay, ni hindi na nga ako nakapagpalit ng damit pangbahay dahil nahiga ako kaagad at biglang nakatulog.
Naalimpungatan ako ng feeling ko na may yumuyugyog sa akin at tama nga ako, may taong gumigising sa akin. Pagdilat ko ng aking mata ay tumambad sa akin ang pagmumukha ng bestfriend ko.
“Oy brad! Gumising ka nga riyan, pagabi na oh!” Bungad neto sa akin. Akma na sana akong babangon pero bigla akong nakaramdam ng kaunting kirot sa aking ulo kung kaya hindi muna ako bumangon.
“Bakit ba kasi nandito ka? Natutulog ang tao eh.” Sagot ko sa kanya habang ipinapakita ko na wala akong iniindang sakit ng ulo.
“Huwag ka na ngang magpretend diyan na wala kang sakit! Kung wala kang sakit, hindi ka uuwi na lang ng biglaan, hindi ka makakatulog ng nakauniform pa rin, at higit sa lahat kanina ka pa dapat bumabangon!” Mahaba-haba nitong sabi sa akin.
Nangiti na lamang ako dahil doon ko napatunayan na kilalang kilala nga talaga ako ni Time.
“At sino naman ang nagsabi sa iyo na may sakit ako? Do you have any proof?” Maang na tanong ko sa kanya.
“Proof! Wag mo akong maproofproof diyan, wala tayo sa korte! Ano na kasi? Anong nangyari sayo? Anong sakit mo at bakit umuwi ka nalang ng biglaan?” Pamimilit na tanong nito para umamin na ako.
“Okay fine! Nahilo ako kanina kaya umuwi na lang ako.” Natatamad na sagot ko naman sa kanya.
“Eh bakit hindi ka manlang nagtext sa akin o nagbilin sa mga classmates natin?”
“Kasi nga bigla ko nalang naisip na umuwi.”
“Bakit di mo manlang ako chinat?”
“Nalimutan ko na, kasi nga nagmamadali na akong umuwi.”
“Ba’t noong nakarating ka na dito sa bahay mo di ka manlang tumawag o nagtext? Tingnan mo nga yang cellphone mo. Panay text, chat at tawag ko yan!” Sambit naman nito at kaagad ko namang kinuha ang cellphone ko. Puno nga ng chats, texts at mga missed calls na galing sa kanya.
“Ah eh. Kasi nakatulog na lang ako bigla.” Nakangiwi kong sagot sa kanya habang kinakamot ang batok ko.
“Basta sa susunod magtext ka malang o magbilin kong may pupuntahan ka. Pinaaalala mo ako eh.”
“Ganoon ba? Sige, sorry na.”
“Okay lang yun basta wag mo nang uulitin.” Sabi naman neto habang papalapit sa akin. Tinanguan ko na lamang siya bilang pagsang-ayon.
“Wala ka namang lagnat ah. Ano bang nararamdaman mo?” Tanong nito sa akin noong makalapit siya at nilagay ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko.
“Sinabi ko bang meron? Nahilo lang kasi ako.” Pamimilosopong sagot ko sa kanya.
Ikinwento ko sa kanya kung ano ang nangyari sa akin kanina. Basta bigla na lang akong umuwi dahil biglang sumakit ang ulo ko. Pagkatapos ko kasing kumain ng lunch kanina ay naglaro kami sa field ng soccer. Siguro dahil ito sa init. Nagulat nga siya kung bakit daw naglalaro ako ng soccer sa field, pero sinabi ko na dahil sasali ako sa soccer team ng aming section. Time ko na rin siguro para sumali na sa physical sport at itong soccer ang aking napili. Siguro nabigla rin ang katawan ko kung kaya’y nahilo ako.
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomantizmWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...