AWMB 30- Ilangan

406 17 2
                                    

Ushiza_Tsuki

Chapter 30 – Ilangan

Seattle’s POV



Pagkarating ko sa aming bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at nagkulong ako doon. Mabuti na lamang at pagdating ko ng bahay ay wala pa sila mama. Habang pauwi ako ay pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha dahil ayaw kong makita ako ng mga nakakasalubong ko na umiiyak. Hindi na nawala sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Time at paulit-ulit itong umalingawngaw sa aking isipan.




“Hindi lang naman ako ang kailangang magdesisyon sa sitwasyon nating ito! Eh hindi ko nga rin alam kung meron bang tayo?! Ang alam ko lang naman ay lihim lang tayo at hanggang lihim lang ang kaya kong gawin sa kalagayan nating ito!”




“Hindi lang naman ako ang kailangang magdesisyon sa sitwasyon nating ito! Eh hindi ko nga rin alam kung meron bang tayo?! Ang alam ko lang naman ay lihim lang tayo at hanggang lihim lang ang kaya kong gawin sa kalagayan nating ito!”




“Hindi lang naman ako ang kailangang magdesisyon sa sitwasyon nating ito! Eh hindi ko nga rin alam kung meron bang tayo?! Ang alam ko lang naman ay lihim lang tayo at hanggang lihim lang ang kaya kong gawin sa kalagayan nating ito!”





Ito ang paulit-ulit kong naririnig na lalong nagbibigay sa akin ng mabigat at masakit na pakiramdam. Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon sa akin ni Time at noong marinig ko iyon mula sa kaniyang bibig ay grabeng sakit ang aking naramdaman. Tila nadurog ang puso ko sa mga oras na iyon, hindi ko na kinaya pang pakinggan ang kung anumang sasabihin ni Time at hindi ko na siya kayang tingnan kung kaya’y pinili kong tumakbo na lamang. Ang sakit dahil hanggang doon lang ang gusto niyang gawin sa aming relasyon, kung relasyon nga ba ang tawag doon.



“Sea anak, kakain na tayo. Tara na sa baba.” Rinig kong katok ni mama sa aking pintuan. Pinunasan ko ang luhang umaagos sa aking mata at pinilit kong maayos ang aking boses bago ako sumagot kay mama.





“Hindi po ako kakain ngayon ma. Matutulog na po ako.” Sagot ko kay mama gamit ang normal kong boses.





“Ganoon ba anak. Sige. Pero kapag gutumin ka mamaya ay i-reheat mo na lamang ang mga ulam. Okay?” Ang sabi ni mama sa likod ng aking pintuan at narinig ko na ang yabag ng kanyang mga paa pababa.





Muli kong isinubsob ang aking mukha sa aking unan at muli na namang tumulo ang luha sa aking mga mata. Habang iniisip ko pa rin ang nangyari sa amin kanina ni Time ay biglang tumunog ang message notification ng aking cellphone. Agad ko itong tiningnan at ito ay chat mula kay Time. Nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba iyon o hindi na, ngunit mas nanaig ang kagustuhan ko na basahin ang kanyang message.






[Brad, sorry talaga sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi kong iyon. Sana ay mapatawad mo ako. Nais ko sanang mag-usap tayo bukas. Pasensya talaga.]






Pagkabasa ko ng message niya ay muli na namang tumulo ang aking luha. Alam ko sa sarili ko na sincere ang paghingi niya ng tawad ngunit ang sakit pa rin ngayon ng puso ko. Hindi pa ako handang kausapin siya at hindi rin ako handang harapin siya. Kapag naiisip ko siya ay paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi niya. Paano pa kaya kapag nagkaharap kami? Mas ipamumukha niya sa akin ang mga sinabi niyang iyon.




Kinabukasan.




“Brad, pwede ba tayong mag-usap. Please.” Paulit-ulit na pangungulit sa akin ni Time.





Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon