Ushiza_Tsuki
Chapter 23 – Alab
Seattle’s POV
Pagkatapos ng mga physical activities namin kanina ay light activities naman ang ginagawa namin ngayon. Kaninang hapon ay nagpractice kami ng kanta at katatapos lang namin itong iperform ngayon sa harap ng iba’t ibang schools, sa harap ng campfire. Parang talent portion ng bawat school ang nangyari, mayroong sumayaw, kumanta, nagdrama at marami pang talent ang ipinakita ng bawat schools na kasali, binigyan kami ng aliw at tawanan ng mga schools na comedy skit ang kanilang mga ipinakita.
Parang ito ang informal closing ceremony at bukas naman ng umaga magaganap ang totoong closing ceremony ng event na ito. Masaya kaming pinapanood ang pagsayaw ng apoy habang sa gilid naman nito ay mayroong mga estudyanteng nagpeperform. Masaya naman talaga ang pinapanuod ko pero nasasagi ng aking paningin ang sweet na sina Time at Kehlah kung kaya’y para bang hindi ako nasisiyahan sa aking nakikita.
Nakaupo kami sa damuhan at nasa likuran ako nila kung kaya’y kitang kita ko ang ginagawa nila sa harap. Naglalambingan sila at ang ginagawa nilang iyon ay hindi ko nagugustuhan, imbes na sa apoy dapat ako tumingin ay hindi ko maiwasang titigan sila, nasasaktan akong tingnan silang ganoon sa isa’t isa ngunit hindi ko naman mapigil ang aking sarili na sila’y sulyapan. Nagseselos ako na makita silang dalawa.
“Tle, comedy skit ang pinapanuod natin pero bakit mukhang drama ang pinapanuod mo.” Hindi ko napansing tumabi na pala sa akin si LC, nasa likuran ko kasi siya kanina. Tumabi siya sa akin at iniabot niya sa akin ang hawak niyang kape at agad ko naman itong tinanggap.
“Saan galing ang kape?” Sinagot ko ng ibang katanungan ang kaniyang tanong dahil ayaw ko itong pag-usapan. Malayo kami ng kaunti kina Time kung kaya’y hindi nila maririnig ang aming usapan.
“Hindi mo ba nakita? Nandoon ako kanina sa harap, may hawak akong takure at nag-init ako doon ng tubig. At doon naman ako sa likuran nagtimpla ng kapeng iyan.” Seryoso niyang kwento na parang totoo talaga, mabuti na lamang at hindi na ako bata para maniwala pa sa kaniya.
“Di ka talaga nauubusan ng kalokohan.” Natatawa kong sabi at ininom ko ang kapeng ibinigay niya.
“Ayan. Yan dapat, nakangiti ka dahil ang pinapanuod natin ay comedy skit.” Sabi niya ulit at noong sinabi niya iyon ay muling nawala ang ngiti sa aking labi.
“Alam mo Tle, kahit hindi mo sabihin ay alam ko ang dahilan kung bakit ganyan ang mukha mo.” Saad ulit nito kung kaya’y napatitig ako sa kaniya ng nagtatanong.
“Oo! Kahit hindi mo sabihin ay alam ko na ang dalawang iyon ang dahilan. Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga titigan niyo ni Time at ang mga ikinikilos niya? Alam kong nagseselos ka ngayon habang tinitingnan silang masaya.” Dagdag pa nitong sabi habang itinuturo ang kinaroroonan ni Time at Kehlah.
“Ewan ko sayo LC, kung ano-anong pinagsasabi mo.” Pag-deny ko naman at itinuon muli ang aking atensyon doon sa apoy sa harap namin.
“Huwag ka nang mahiya sa akin Tle, sa ikli ng pagsasama natin ay kilala na kita. Turing ko na sa iyo ay kaibigan kung kaya’y huwag ka sa aking mahiyang magsabi. Hindi nga ako sa iyo nahihiyang sabihin kung ano ang nao-observe ko.” Patuloy na pagsasalita nito at tinitigan ko lang siya dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
“Kitang-kita sa mga galaw at kinikilos ni Time na hindi lang bestfriend ang turing niya sa iyo, grabe siya kung makabakod sa iyo kapag nilalapitan kita at grabe rin ang sama ng kaniyang pagkakatitig sa akin tuwing magkasama tayo. At iyon ay senyales na nagseselos siya. Kitang kita ko rin kung paano ka niya tratuhin, maalaga siya sa iyo at hindi niya gustong may lumalapit sa iyo na ibang tao. Isa lang ang ibig sabihin noon, may mas malalim pa siyang nararamdaman sa iyo.” Pagpapatuloy pa rin niya sa pagsasalita at nakinig lang ako sa kaniyang sinasabi. Sang-ayon ako sa kaniyang mga napansin at ang mga iyon ay napansin ko ring ikinikilos ni Time. Tama kaya ang mga sinasabi ni LC?
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomanceWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...