AWMB 35- Maboteng Usapan

380 17 1
                                    

Ushiza_Tsuki

Chapter 35 – Maboteng Usapan

Time’s POV




Matapos kaming kumain kanina ay nauna na kaming umuwi ni Kehlah, nagpaiwan naman sina Seattle at ang girlfriend niya dahil may bibilhin pa raw ito. Naging masaya ako ng mga sandaling iyon dahil gumaan na ng kaunti ang aking pakiramdam, ang awkwardness na nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami ni Seattle ay tila nabawasan. Gaya nang napagkasunduan namin ni Seattle kanina ay papunta na ako ngayon sa bar ng kambal.





“Ito na ang hinihintay mo Time kung kaya’y sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya.” Habang nagmamaneho ay para akong tanga na kinakausap ang aking sarili. Nag-iipon ako ng lakas ng loob at ng kung ano ang sasabihin ko kay Seattle.





“Ano bang itatawag ko sa kanya? Brad? Sea o Seattle?” Muli kong tanong sa aking sarili dahil hanggang ngayon ay nalilito ako kung ano ba ang itatawag ko sa kanya. Sanay akong tawagin siyang brad ngunit hindi ako sanay na tawagin siya sa kanyang pangalan.





Nang marating ko ang bar ng kambal ay kaunti lang ang kanilang customer. Natyempuhan ko naman na naroroon ang dalawa.





“Tol, napadpad ka yata sa bar namin?” Bungad na tanong sa akin ni JN noong lumapit ako sa kanila.





“At bakit dalawa kayo ang nandito?” Tanong ko rin sa kanila. Bihira kasing magkasama ang dalawang ito sa bar nila, makikita mo lang sila paminsan-minsan at ngayon ito.






“Wala lang. Bakit naparito ka? Wala ka bang trabaho ngayon?” Sagot sa akin ni JM at tinanong niya akong muli.





“Magkikita kami dito ni Seattle.” Kita ko sa mukha ng kambal ang pagkagulat at gumuhit ang ngiti sa kanilang mga labi ng sabihin ko iyon.




“Talaga ba? So, masasagot na ang mga tanong diyan sa isip mo.”

“Magkakaroon ulit kayo ng closure.”


“Babalik sa pagiging magbestfriend.”


“Oh di kaya’y ipagpapatuloy ang naudlot at nasimulang pagmamahalan”


“Balik Sea Time ’11 na ba?”



Salitan ng salita ng kambal at natawa ako sa mga pinagsasabi nila. Sabay pa nilang sinabi ang Sea Time ’11 kung kaya’y biglang sumagi sa aking isipan ang mural na ginawa namin ni Seattle. Napailing na lamang ako sa mga sinabing iyon ng kambal at hindi ko na nalaman kung ano ang isasagot ko sa kanila.






“Pero may girlfriend na siya. Siguro pagkakaibigan na lamang namin ang mababalik ko.” Malungkot kung wika sa kanila at naupo ako sa isang upuan. Sumunod naman sa akin ang kambal at naupo rin sila sa mga bakanteng upuan.





“Sure ka ba talaga na girlfriend niya iyon?” Tanong sa akin ni JN.





“Oo, nagdate nga sila kanina. At sabay pa kaming nagdinner na apat, kasama si Kehlah.” Sagot ko naman sa kanya.




“Ganoon ba. Baka hindi niya naman girlfriend iyon, nabanggit niya na ba na girlfriend niya si Nesh?” Muling tanong ni JN habang si JM ay nakikinig lang sa amin.




“Hindi. Pero base sa kinikilos at tawagan nila ay sure ako na magkasintahan silang dalawa.” Pagbibigay ko ng pilit na ngiti habang sinasabi ang napapansin ko kina Nesh at Seattle.





Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon