AWMB 34- Misconception

364 16 1
                                    

Ushiza_Tsuki


Chapter 34 – Misconception


Seattle’s POV




Hindi pa sana ako uuwi ng Pilipinas dahil mayroon pa akong kliyente doon sa Singapore, ngunit dahil kasal iyon ni Khenven ay pinilit ko talagang makauwi. Isa na akong architect doon sa Singapore at marami na akong naging client, mapa-Pilipinas man o ibang bansa. Mabuti na lamang at pumayag sa online transaction ang client ko kung kaya’y nakauwi na ako ng Pilipinas. Sa pag-uwi ko naman dito sa Pilipinas ay may company na naghihintay sa akin, kung kaya’y naging desidido akong iwanan ang Singapore at dito na sa Pilipinas manirahan.







Si Khenven lang sa mga kaibigan ko ang may alam na uuwi ako, laking gulat nga noon ng kambal na makita nila akong muli. Sa kasal ni Khenven ay alam ko na nandoon si Time kung kaya’y inihanda ko na ang aking sarili, buong akala ko ay si Time lang ang magugulat ng makita niya ako ngunit nagulat rin ako ng makita ko siya. Noong makita ko siya ay nablangko ang aking isipan, alam ko sa aking sarili na napatawad ko na siya ngunit nang makita ko siyang muli ay hindi ko alam kung paano siya lalapitan, hindi ko alam kung paano siya kakausapin.







Noong gabi ng reception ay handa na sana akong kausapin siya ngunit hindi iyon nangyari dahil umuwi kami kaagad ni Nesh. Basang-basa ko sa mga mata ni Time na gusto na niya akong kausapin at marami itong katanungan, ngunit hindi pa yata namin oras na magkausap ng panahong iyon.








Nabalitaan ko kina mama at papa na palagi raw dumadalaw sa bahay si Time at ikinatuwa ko naman iyon. Buong akala ko ay pupunta si Time sa bahay at dadalawin niya ako dahil alam na niyang nakauwi na ako ngunit hindi pala, hindi manlang siya dumalaw sa bahay. Gusto ko na siyang makausap ngunit hindi ko gustong ako ang unang lalapit o kakausap sa kanya.







Hanggang isang araw, habang papunta ako sa meeting place namin ng aking client ay napadaan ako sa isang university, doon ay nakita ko si Time na hinatid si Kehlah sa paaralang iyon. Doon ay napagtanto ko na hanggang ngayon ay magkasintahan pa rin sina Kehlah at Time. Narealize ko na kaya hindi manlang niya ako dinalaw sa bahay ay dahil busy na siya kay Kehlah, nakapili na siya sa aming dalawa at hindi ako yun. Naging masaya ako para sa kanila.








Noong makarating ako dito sa Pilipinas ay naging busy ang aking schedule kung kaya’y hindi gaanong pumasok sa aking isipan si Time, naghilom na ngayon ang sugat sa aking puso at masaya na ako nang makita siyang masaya. Sinabi ko sa aking sarili na kung muli man kaming magkikita ay pipilitin kong kausapin siya para naman kahit papaano ay bumalik ang aming pagkakaibigan.
“Beb, sa loob na lamang tayo ng mall kumain. May bibilhin din ako sa mall para isang lakaran na lang.” Ang wika ni Nesh habang nasa passenger’s seat siya. Sinunod ko na lamang ang kanyang sinabi at nagmaneho na ako papunta ng mall.






“Magdecide ka kaagad kung saan tayo kakain ha. Ngayon pa lang ay pag-isipan mo na.” Bilin ko sa kanya habang ipina-park ko ang aking sasakyan. Paiba-iba kasi si Nesh ng desisyon kapag pipili ito ng aming kakainan kung kaya’y niremind ko na siya kaagad. Bumaba na kami ng kotse at pumasok na kami ng mall.







Habang papasok kami ng mall ay nakita ko kaagad si Time kahit malayo ang aming distansya, kilala ko ang hubog ng kanyang katawan at hindi nga ko nagkamali, si Time nga. Napatingin ako sa kanyang likuran at nakita ko naman si Kehlah, nag-uusap ang dalawa at mukhang masaya sila. Alam ko na palabas na sila ng mall dahil bitbit ni Time ang mga pinamili nila. Habang papalapit na kami sa isa’t isa ay mas lalong tumibay ang paniniwala ko na sila pa nga talaga hanggang ngayon.








Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon