Ushiza_Tsuki
Chapter 39 – Partner
Seattle’s POV
Buong maghapon lang na nasa bahay si Time, ang ginawa lang niya ay ang mag-usap sila ni mama at ni Nesh. Dumating sina papa at tita ng lunch time kaya sabay na rin kaming kumain, ipinakilala ko rin si Time kay tita. Hindi na nakaalis si Time sa aming bahay dahil hindi na sila naubusan ng mapag-uusapan.
Pansin ko na grabe na ang closeness nila papa at Time which is masaya ako na makitang ganoon sila. Para silang tunay na mag-ama, nakikita ko kay Time na itinuturing niya na kanyang ama si papa dahil siguro ay nagungulila rin siya kay Tito.
Kahit hindi sabihin ni Time ay alam ko na kanina pang may bumabagabag sa kanyang isipan. Alam ko rin na nagselos siya sa amin ni LC pero hindi niya iyon pinahalata at sinabi sa akin. Ipinakita niya ang kanyang natural na galaw ngunit basa ko sa kanyang ikinikilos at mga mata na mayroon siyang mga katanungan sa kanyang isipan.
“Nagkaroon ka ba ng girlfriend. Or boyfriend doon sa Singapore brad?” Tanong sa akin ni Time. Nagpause pa muna siya pagkasabi niya ng girlfriend, inisip niya kung itatanong ba niya kung nagkaboyfriend ako. Kasalukuyan kami ngayong nasa kwarto ko at nakahiga lang siya, samantalang ako ay may ginagawa sa aking laptop.
“Wala. Pero madami akong naging fuck buddies doon.”Seryoso kong tugon sa kanya at ibinaling ko sa kanya ang aking paningin. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat sa sinabi kong iyon.
“Joke lang!” Natatawa kong pagbawi sa sinabi kong iyon. Napabuga na lamang siya ng hangin at napatitig sa akin ng masama.
“Wala akong naging girlfriend pero merong mga naging kalandian. May mga nanliligaw rin sa akin ngunit hindi ko naman pinagtuunan ng atensyon. Ikaw ba?” Pagsabi ko sa kanya ng totoo at ibinalik ko sa kanya ang kanyang katanungan.
“Ganoon ba. Wala ako, kahit landian wala.” Direktang sagot nito sa akin habang tinititigan ang kisame.
“Bakit naman hindi ka pumasok sa isang relasyon ulit?”
“Nawalan kasi ako ng interes at nagpokus lang ako sa pag-aaral.”
“Pero kahit may lumandi sa iyo hindi mo pinag-interesan?”
“Hindi. Kasi sa tuwing may lumalapit sa akin o may nagpapakita ng motibo ay biglang pumapasok ang imahe mo sa aking isipan.” Nilingon nito ako ng sabihin niya iyon, seryoso siya sa kanyang sinabi.
“At saka. Hindi ko kasi naramdaman sa iba ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa iyo lang.”
Dagdag pa niya sa kanyang sinabi at hindi ko na alam kong ano ba ang isasagot ko sa kanya. Ganoon pala kalakas ang tama ko sa kanya at hindi na niya nagawa pang makipagrelasyon. Lihim akong napangiti sa narinig ko na iyon.
“Alam mo. Ang corny mo parin.” Ang mga linyang lumabas sa aking bibig dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
“Ganito na ako eh. Eh ikaw ba brad, bakit hindi ka pumasok sa isang relasyon?” Baling naman niya ng katanungan sa akin.
“Kagaya ng rason mo. Nagfocus rin ako sa pag-aaral.” Sagot ko sa kanyang katanungan.
“Yun lang ba ang dahilan?”
“Oo.”
“Talaga iyon lang?”
“Oo nga. Ano pa ba ang dapat na dahilan?”
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomanceWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...