AWMB 22- Youth Camp

466 16 1
                                    

Ushiza_Tsuki


Chapter 22 - Youth Camp



Time's POV

Nagsimula na ang aming Youth Camp at maraming mga paaralang sumali dito. Ang Youth camp ay gaganapin ng tatlong araw at dalawang gabi, maraming mga activities na ang nakahanda sa amin, ito ay mga versus games at team building. Ang pinakalayunin ng Youth Camp ay upang magkaroon ng socialization ang mga estudyante. Kasalukuyan kami ngayong nasa designated room namin, dalawang classroom ang para sa school namin, hiwalay para sa mga babae at lalaki. Nandito kaming lahat ngayon sa aming room at binibigyan kami ng orientation ng faculty na in-charge sa amin.





"Everyone, most of our activities are by pair ang groupings. Kaya ngayon ay naisipan naming magbuddy-buddy kayo o mag by pair para iyon na ang inyong partner at the end of this event. Also, para na rin sa safety ng bawat isa kaya kailangang kapag aalis kayo o may pupuntahan ay kasama ninyo ang partner niyong iyan. Klaro ba?" Pagbibigay anunsyo sa amin ng aming guro. Kung kaya'y nagbulong-bulungan na ang mga estudyante at humanap na rin ang iba ng kanilang magiging kapareha.





Kasama ko ngayong nakaupo si Kehlah sa aking kaliwa at sa kanan naman ay si Seattle. Noong natapos na ang sinasabi ng aming guro ay lumabas na ito at sinabihan na niya kaming humanap ng partner. Agad na ring nagsitayuan ang mga kasamahan kong estudyante at humanap na ng kanilang magiging partner.





"Tayo na lang ang partner babe. Wala kasi si Danish, siya sana yung partner ko at kayo naman sana ni Seattle. Sinong magiging partner mo Sea?" Alok ng aking girlfriend kung kaya'y hindi na ako nagdalawang isip pa at tinanggap ko ito.





"Hahanap na lang ako ng kakilala ko Kehlah." Si Seattle habang nilinga-linga ang ulo para humanap ng kaniyang kakilala. Hindi nakasama si Danish dahil bigla siyang nilagnat, gustuhin niya mang sumama ay hindi naman kaya ng kaniyang katawan.





"Tle, meron ka na bang partner." Rinig kong sabi ng isang boses na nagbigay sa akin ng hindi magandang hangin. Boses iyon ni LC at biglang lumitaw ito sa likuran ni Seattle. Nakaramdam na naman ako ng inis noong makita ko ang lalaking ito ngunit hindi ko pinahalata sa kanila.




"Wala pa nga eh." Sagot naman sa kaniya ni Seattle. At ang mokong, nakangiti pa habang sumasagot.




"Ganoon ba? Sakto, wala pa akong buddy, tayo na lang." Hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang iyon at nagpataas ito ng aking kilay. Lalapit sana ako sa kanila at kokontrahin ko ang kanilang gusto ng biglang magsalita si Kehlah.





"Ayon! May partner na si Seattle. Babalik na muna ako sa room namin babe ha. Aayusin ko lang ang mga dala ko." Pagpapaalam sa akin ni Kehlah at umalis na ito, nagpaalam rin siya kay Seattle at sa mokong na LC.





Lalapitan ko sana si Seattle pero noong makita kong masaya siyang nakikipag-usap kay LC ay hindi ko na lamang iyon itinuloy, Humanap na lamang ako ng pwesto na aming hihigaan at inayos ko ang aking mga gamit.





"Dito ba pwesto natin brad?" Tanong sa akin ni Seattle noong lumapit ito sa akin at dala ang kaniyang mga gamit.





"Hindi. Pwesto ko lang to. Doon ka kay LC mo." Nagmamaktol ko namang sagot sa kaniya na kunwaring itinataboy siya.





"Ah ganoon ba? Sige." Walang pagtutol niya namang pagsang-ayon sa akin at tinalikuran niya naman ako. Dahil sa inis ko sa ginawa niyang iyon ay binato ko siya ng unan na hawak ko.




"Gago ka talaga! At gusto mo talagang doon ka sa kaniya tatabi ha?"



"Eh sabi mo pwesto mo lang dito kaya aalis na ako. Hahanap na lang ako ng ibang pwesto."



Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon