AWMB 32- Paglingon

385 17 1
                                    

Ushiza_Tsuki

Chapter 32 - Paglingon


Time’s POV



Mabilis ko nang pinaharurot ang aking sasakyan papunta sa venue ng kasal ni Khenven. Suot ko na ngayon ang suit na aking susuotin at sa passenger seat naman ay nakapatong na ang regalo ko para kay Khenven at Amirah. May kinausap pa kasi ako na kliyente kung kaya’y nabawasan ng kaunti ang aking oras para sa preparasyon.






Noong marating ko ang venue ay hindi pa naman nagsisimula ang event. Ang alam ko ay groom’s men ako at ang mga kambal, nakita ko kaagad sila kung kaya’y lumapit ako sa pwesto nila.







“Wow tol, pogi natin ah.” Bungad sa akin ni JM at binigyan ako nito ng manly hug, ganoon rin si JN.





“Hindi na bago. Teka, nasaan na si groom? Hindi pa ba magsisimula?” Tanong ko sa kanila noong mapansin ko na madami na ang tao dito ngunit hindi pa nagsisimula.






“Maya-maya pa magsisimula, nandoon siya kinakausap ang parents ni Amirah.” Sagot naman sa akin ni JN.






“Ganoon ba? Eh kayo ba kailan ikakasal?” Panunukso ko naman ng tanong sa kambal.






“Kapag naikasal ka na!” Sabay na sagot ng dalawa kung kaya’y nagtawanan kaming tatlo.





“Tayo lang ba ang groom’s men?” May pagtataka kong tanong sa kanila. Hindi ko kasi binasa ang laman ng invitation kung kaya’y wala akong kaalam-alam sa event ngayon.





“Ah, may isa pa. Nag-cr lang. Mas pogi ang isang iyon.” Sagot sa tanong ko ni JN at nagtaka ako kung sino kaya ang isang iyon.





“Speaking, ayon siya oh.” Tinuro ni JM ang isang direksyon kung kaya’y napatingin ako dito.





Isang lalaking kasing tangkad ko, inaayos ng babae ang kanyang suit kung kaya’y hindi ko makita ang kanyang mukha. Noong matapos nang ayusin ng babae ang kanyang suit ay lumingon sa kinaroroonan namin ang lalaki. Tila slow motion ang paglingon ng lalaki, nagulat ako nang sa paglingon ng lalaki ay napakapamilyar ng mukha nito.







Ito ang mukhang matagal ko nang gustong makita. Ang mukha ng taong gustong-gusto kong makausap. Ang mukhang kinasasabikan ko. Si Seattle pala ang tinutukoy nila na isa pang groom’s man. Tila tumigil ang mundo ko ng muli kong makita si Seattle, ang ganda ng hubog ng kanyang katawan at halos magkasingtangkad na kami, napahawak ako sa aking dibdib ng makita ko ang kanyang mukha at naramdaman ko ang muling mabilis na pagtibok ng aking puso.







“Si Seattle ang isa pang groom’s man. Kakauwi niya lang kahapon.” Wika ni JN sa gilid ko. Hindi na naalis ang aking paningin sa kinaroroonan ni Seattle. Malaki ang pinagbago niya sa loob ng anim na taon at hinihiling ko na sana ay kilala pa niya ako.







Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin ko rin ang babaeng kasama niya. Inaasikaso siya ng babae at ganoon rin siya, inihatid pa niya ang babae sa upuan nito. Habang tinititigan ko sila ay nakadama ako ng kalungkutan, siguro ay siya yung girlfriend ni Seattle, siguro siya ang babaeng tumulong sa kanya para makamove on sa akin. Noong mapansin kong papunta na sa amin si Seattle ay nagpanggap ako na hindi ko pa siya nakikita.







“Mga tol, mags-start na ba?” Tanong niya sa kambal noong makarating siya sa pwesto namin.





Napansin niya ako at napatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung kakamustahin ko ba siya o yayakapin? Ngunit tanging ngiti lamang ang naibigay ko sa kanya. Buong akala ko ay aalisin niya sa akin ang pagkakatingin niya, ngunit ginantihan niya rin ako ng ngiti. Naa-awkwardan ako sa aming sitwasyon dahil hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya.






Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon