AWMB- Special Chapter

742 20 4
                                    

Ushiza_Tsuki

Special Chapter

Time’s POV

“Brad, bilisan mo na diyang maligo. Kanina ka pa diyan ah.” Rinig kong sigaw ni Seattle mula sa labas.





“Heto na tapos na po.” Lumabas na ako ng cr na nakatapis lang. Naabutan ko si Seattle na nakaupo na sa kama at tapos na niyang iligpit ang mga gamit na aming dadalhin.





Lumapit siya sa akin na may hawak na tuwalya at pinunasan niya ang mukha ko, ang aking buhot at pati na rin ang buo kong katawan. Pagkatapos niyang gawin iyon ay tinulungan niya naman akong magbihis ng aking susuotin. Palagi itong ginagawa sa akin ni Seattle at ang ginagawa niyang ito ay nagbibigay ng ngiti sa akin, dahil dito ay ramdam na ramdam ko ang kanyang pag-aalaga.





“Nariyan na ba lahat ng gamit natin brad?” Tanong ko kay Seattle noong pareho na kaming handa sa pag-alis.






“Oo, ikaw na lang talaga ang hinihintay kaya tara na.” Sagot nito sa akin at tumayo na siya at naglakad. Binitbit ko naman ang bag na naglalaman ng aming mga gamit at sumunod na ako sa kanya.





“Handa na kaya sila mama?” Kasalukuyan kami ngayong nakasakay sa aking kotse at papunta kami sa bahay nila mama Larah, ang ina ni Seattle na ngayon ay tinatawag ko na ring mama dahil kasal na kami ni Seattle.






Halos limang taon na kaming kasal ni Seattle, ikinasal kami sa ibang bansa kung saan legal ang pagpapakasal sa parehong kasarian. Sina mama Pit, mama Larah at papa Sean, ang papa ni Seattle, at si JN lang na kasalukuyang nasa lugar na iyon ang saksi sa pag-iisang dibdib namin ni Seattle. Sa Pilipinas naman namin ipinagdiwang ang handaan kasama ang aming mga pamilya at mga kaibigan. Napakasaya namin ni Seattle noong ikinasal kami dahil nagkaroon na kami ng karapatan sa bawat isa. Naging masaya kami dahil ang aming pag-iibigan ay nagkaroon na ng basbas, nasa papel na at legal na ito sa aming mga kaibigan at pamilya.







Sa loob ng limang taon namin bilang mag-asawa ni Seattle ay puno ito ng saya at pagmamahal. Araw-araw ay ipinapakita namin ang aming pagmamahal sa isa’t isa kahit na sa simpleng bagay, kagaya na lamang ng pagmamasahe niya sa akin tuwing napapagod ako at ang pagluluto ko naman sa kanya ng masasarap na pagkain. Kung sa normal na relasyon ay masasabi ko na ako ang lalaki at si Seattle naman ang babae, ngunit minsan ay nagkakapalitan naman kami ng posisyon. Normal na sa amin ang magbangayan at mag-away pero hindi naman iyon ngatatagal dahil isa sa amin ang gagawa ng paraan para magkabati kami. Malambing kami sa isa’t isa kung kaya’y nananatiling matatag ang aming pagsasama. At palaging bukas ang aming komunikasyon sa isa’t isa at mayrong pagtitiwala kung kaya’y mas nagiging matatag ang aming pagsasama.







“Excited na akong makita sila brad.” Wika ni Seattle noong matanaw na namin ang bahay nila mama.






“Tara na baba na tayo brad.” Bumaba na kami ng kotse pagkarating sa bahay nila mama at agad kaming pumasok sa loob ng bahay.






“Dadddyyyyy! Pappppaaaa!” Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay umalingawngaw kaagad ang boses ng aming mga anak.






Tumakbo palapit sa amin ang mga anak naming lalaki habang sinisigaw ang tawag nila sa amin. Dali-dali namin silang sinalubong at binuhat isa-isa.





“Kamusta ang baby ko. Ha?” Buhat-buhat ko ang isa naming anak na lalaki at tinadtad ko ng halik ang kanyang pisngi. Ang pangalan niya ay Skytter De Roxas Flores, sa mga anak namin ay napagkasunduan naming surname ko ang gamitin at middle name naman ang kay Seattle.






Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon