AWMB 18- Confused

484 20 1
                                    

Ushiza_Tsuki



Chapter 18 – Confused




Time’s POV





Nandito kami ngayon ni Kehlah sa kanilang probinsiya dahil sinamahan ko siyang puntahan ang kaniyang lolo’t lola. May importante kasi siyang pinunta dito, busy ang kaniyang mga magulang kung kaya’y siya ang pinapunta dito. Kung kaya’t absent kami ng dalawang araw sa school. At ang balik namin sa aming lugar ay mga linggo siguro.






“Apo, pakainin mo pa iyang nobyo mo. Minsan lang iyan makapunta dito kaya asikasuhin mo ng mabuti.” Sabi kay Kehlah ng kaniyang lola habang dinagdagan pa nito ang pagkaing nakalagay sa mesa.




“Naku lola, tama na po yan. Busog na busog na po ako.” Tanggi ko naman sa kanya ngunit hindi ito nakinig at dinagdagan pa ang pagkain sa aking pinggan.




“Lola tama na daw po, kanina pa kumakain iyang si Time.” Pagpigil naman ni Kehlah sa kaniyang lola.






“Hay naku mga batang to. Basta kumain lang kayo ng kumain diyan. Hindi natin alam kung kailan ulit kayo babalik dito kaya aasikasuhin ko kayong mabuti.” Wika naman ng kaniyang lola kung kaya’y ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain.





Habang kumakain ay maraming tanong ang ibinato sa akin ng lolo at lola ni Kehlah at akin naman itong sinagot. Tawa rin kami ng tawa dahil palabiro ang kaniyang lolo. Bukod sa kaniyang lolo at lola ay naroon rin ang pinsan niya na si Miel, ito ang nakatira sa mga lolo at lola ni Kehlah, magkasingtangkad kaming dalawa, moreno siya at singkit.





Gabi na kami ng makarating rito kung kaya’y hindi kami kaagad nakagala. Hindi na rin kami lumabas ng bahay dahil nagpahinga na kami pagkatapos naming kumain. Magkahiwalay ang aming kwarto ni Kehlah, noong mahiga ako sa aking kama ay dinalaw na kaagad ako ng antok dahil sa pagod sa biyahe at dahil na rin sa kabusugan.




Kinaumagahan ay nilibot namin ang probinsiya ng kaniyang lolo’t lola at nagpakita naman ang magagandang tanawin dito. Marami sila ditong mga resorts dahil ang ganda naman kasi ng beach dito at marami ring mga bundok na dinadayo raw ng mga turista dahil maganda doong maghiking. Kasama naming gumala si Miel, siya ang nagsilbi naming tour guide, mabait ito kung kaya hindi ako nahirapang maging kaibigan siya.





“Babe, tara swimming tayo.” Aya sa akin ni Kehlah. Nandito kami sa isang beach at napagdesisyunan naming maligo. Suot ni Kehlah ay bra at nakapanty shorts siya kung kaya’y kitang kita ang ipinagmamalaki niyang makinis at seksing katawan.





“Ikaw na lamang muna babe. Mamaya na lang ako, pero wait lapit ka dito kuhaan kita ng picture.” Pagtanggi ko sa kaniya at agad ko siyang hinila palapit sa akin. Inutusan ko siyang tumalikod at hinawakan ko ang kaniyang kamay, ang kinuhaan ko ng litrato ay ang magkahawak naming kamay habang kita naman sa background ang kaniyang nakatalikod na seksing katawan at ang beach. Agad ko itong inilagay sa Facebook story ko at naupo na ako. Samantalang si Kehlah ay naligo na sa dagat.





“Ang sweet niyo ni insan ah. Matagal na ba kayo?” Tanong ni Miel mula sa aking likuran. Tinanguan ko lang ito habang nakangiti bilang sagot.





“Diyan lang kayo Time ha, may susunduin lang ako.” Pagpapaalam nito sa akin at bigla siyang umalis.





Nagscroll na lamang ako sa aking cellphone at paminsan minsan ay tinitingnan ang girlfriend ko na nagtatampisaw sa dagat. Biglan akong nakatanggap ng message habang nags-scroll ako at binasa ko ito kaagad.





Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon