AWMB 29- Pagtalikod

454 18 1
                                    

Ushiza_Tsuki



Chapter 29 – Pagtalikod


Time’s POV



Habang nakaangkas sa motor ko si Seattle ay wala itong kibo, ganoon rin ako. Nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang unang magbubukas ng aming usapan. Naiinis ako sa kaniya kanina dahil nakita ko na namang nagsama sila ni LC, alam naman ni Seattle na nagseselos ako kapag nakikita ko sila ngunit parang binalewala niya lang ako kanina. At ang mas kinainis ko pa ay yung sumama siya kay LC imbes na ako ang dapat sasamahan niya sa canteen kanina. Hindi ko pinansin ang chat niya at hindi ko siya pinansin dahil naiinis talaga ako sa ginawa niya sa akin.





Dahil gusto ko nang kausapin si Seattle ay naisipan kong dumaan muna kami sa park para makapag-usap na kami na kaming dalawa lamang. Hahayaan ko siyang magpaliwanag at pakikinggan ko siya.





“Bakit tayo tumigil dito brad?” Tanong nito sa akin noong marating namin ang park na hindi naman kalayuan sa bahay nila.






“Dito na lamang tayo mag-usap. Pero mamaya na, hanap muna tayo ng makakain.” Ang sabi ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya para makahanap kami ng pagkain. Sumama naman siya sa aking likuran.






“Street foods na lamang tayo.” Ang wika niya mula sa aking likuran kung kaya’y tinanguan ko na lamang siya bilang pagsang-ayon.





Pumunta kami sa area ng mga street foods at doon nga ay namili kami ng aming kakainin. Siomai, kikiam, kwek-kwek at fishball ang aming kinain. Palihim akong natatawa sa inaasta ni Seattle dahil para bang ngayon lamang siya nakakain ng street foods, madungis na ang gilid ng kanyang labi dahil sa sauce, bigla ko itong nilinis gamit ang aking daliri. Habang nasa gilid ng labi niya ang aking daliri ay naalala kong nagtatampo pala ako sa kaniya, dahil sa sitwasyon niya ay nalimutan ko na may tampo pala ako dito, bigla ko na lamang inalis ang aking kamay sa mukha niya.





“Tara, maupo tayo doon.” Seryoso kong sabi sa kanya habang itinuturo ang isang upuan. Pumunta kami doon hawak-hawak ang iniinom naming sago’t gulaman.





“Brad. Sorry na, ano ba kasi ang kasalanan ko sa iyo?” Sabi nito sa akin noong maupo na kami sa bakanteng upuan.





“Hindi mo ba talaga alam kung ano ang kasalanang nagawa mo?” Nagpipigil sa inis na tanong ko sa kaniya.





“Tungkol ba ito doon kay LC kanina?” Tanong niya sa akin.





“Oo! Tungkol sa kaniya. Alam mo namang nagseselos ako kapag magkasama kayo pero nakuha mo pang kausapin siya at sumama ka pa talaga sa kanya. Sa tingin mo ba hindi ako maiinis sa ginawa mong iyon.” Sinabi ko sa kanya ang kaninang gusto ko pang sabihin, hindi naman kalakasan ang boses ko kung kaya’y hindi kami makakapukaw ng atensyon ng ibang tao dito sa park.





“Pero wala naman kaming ibang ginagawa. Magkaibigan lang kami. Hayaan mo na lamang kaya muna akong magpaliwanag.” Pagdedepensa niya naman sa kaniyang sarili.





“Sige magpaliwanag ka.”





“Pinuntahan ako ni LC dahil ay inaya niya akong sumali kami doon sa digital poster making na contest, dahil gusto ko iyon ay pumayag ako. At umalis kami kanina dahil pinuntahan namin si sir dahil ipinaliwanag niya sa amin ang tungkol sa contest. Yun lang iyon brad! Wala kaming masamang ginagawa na kailangang pagselosan mo.” Mahabang paliwanag nito sa akin ngunit mas lalo akong nainis sa narinig kong iyon. Mas may dahilan na pala ngayon ang pagsasama nila. Alam ko na totoo ang kaniyang rason pero hindi ko maitatangging nagseselos talaga ako.






Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon