Ushiza_Tsuki
Chapter 31 – Bagong Yugto
Time’s POV
“Sir Time, ready na po for delivery ang mga produkto natin. Aalis na po kami para ideliver ang mga ito.” Sabi sa akin ng isa kong katiwala dito sa aking farm. Idedeliver na kasi nila ang mga gulay at prutas sa aming mga buyer na produkto ng aking farm.
Pagkatapos kong icheck kung okay na ba talaga ang mga idedeliver ay pinaalis ko na ito. Marami ng buyer sa iba’t ibang bayan ang aking farm, kada linggo ay nagdedeliver kami ng mga gulay, prutas at mga karne ng baboy at mga isda, kung kaya’y masasabi ko na naipalago at naimanage ko ng maayos ang ipinamana sa akin ni papa. Marami na rin ang mga tauhan ko rito kung kaya’y hindi naman ako nahihirapang imanage ang farm.
Dahil wala naman akong gagawin ay naisipan kong pumunta sa likod ng bahay. Kapag nandito ako sa farm ay palaging rito ako tumatambay kung walang ginagawa, ibang ginhawa kasi ang ibinibigay sa akin ng hardin na ito at ng grotto. Sa tuwing tinititigan ko ang grotto ay palaging umuukit sa aking isipan ang larawan namin ni Seattle na humihiling dito. Mahigit anim na taon na kaming hindi nagkikita o nag-uusap pero hindi siya nawala sa aking isipan sa loob ng anim na taon na iyon. Naging engineer na ako at naging mayabong ang aking farm ngunit hindi manlang kami nagkita o nagkausap, ang pinakahuling kita ko sa kanya ay noong huling araw ng aming pasukan. Noong malaman kong nangibang bansa siya ay grabeng sakit ang dinanas ko noon.
Flashbacks…
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para pansinin at patawarin ako ni Seattle ngunit hindi talaga tumatalab sa kanya. Ang nais ko lang naman ay pakinggan niya ang paliwanag ko dahil ayokong hindi kami nagpapansinan. Pinag-isipan ko ring mabuti ang gagawin kong desisyon at iyon ay ang piliin siya, nais ko rin sanang sabihin sa kanya na hihiwalayan ko si Kehlah. Ngunit hindi niya talaga ako kinakausap at pinapansin hanggang isang araw ay nakita ko silang magkasama ni LC at masaya sila. Parang dinudurog ang puso ko nang makita ko silang magkasama ni LC at halos araw-araw iyon. Nagseselos ako sa kanila ngunit wala akong magawa dahil wala namang pakialam sa akin si Seattle.
Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi ko na lamang sinunod ang desisyon ko, muli kong itinuon ang aking atensyon sa aking girlfriend upang kahit papaano ay mawala ang sakit na aking nararamdaman. Ngunit, tuwing gabi ay nahihirapan akong matulog dahil palagi kong nakikita ang mukha ni Seattle noong sabihin ko sa kanya ang masakit na pangungusap na iyon, umuukit sa aking isipan ang tumatakbong papalayo na si Seattle. Sising-sisi ako sa nasabi kong iyon at gusto ko talagang humingi ng tawad sa kanya ngunit hindi ko naman magawa dahil ayaw niya akong kausapin, kahit titigan nga niya ako ay hindi niya magawa. Dahil alam ko na ayaw niya akong kausapin o makita ay iniwasan ko na rin siya, linayuan ko na rin siya kahit na nasasaktan akong gawin iyon.
Noong huling araw ng klase ay nagulat ako noong tanungin siya ni Kehlah at sinagot niya naman ito ng normal, walang alam si Kehlah tungkol sa aming dalawa kung kaya’y nagawa niya iyon. Alam ko na totoo ang ngiting ipinakita niya kay Kehlah ngunit nagulat ako ng tiningnan niya rin ako, iyon ang kauna-unahang pagpansin o pagtingin niya sa presensiya ko at laking tuwa ko ng mga oras na iyon. Ang kanyang pagtitig sa akin ay may laman at tila ba may pinapahiwatig. Noong mga oras na iyon ay hindi na naalis sa kaniya ang aking paningin.
Tinatakawan ko siya ng sulyap buong maghapon hanggang sa naisipan na niyang umuwi. Nagtaka ako noong binigyan niya ng yakap ang aming mga kaibigan noong pauwi na siya, grabe ang inggit at lungkot ang aking naramdaman noong mga oras na iyon, hiniling ko na sana nandoon ako sa kanila dahil sabik na sabik na rin ako sa yakap ni Seattle. Noong si Khenven ang kaniyang kayakap ay kitang-kita ko sa mukha ni Khenven na may lungkot ito at tila ba may pinag-uusapan pa sila, hanggang sa lumabas na si Seattle ay sinundan ko siya ng tingin at hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na sundan siya.
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
Roman d'amourWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...