Ushiza_Tsuki
Chapter 20 – Sweet pa sa Burger
Seattle’s POV
“Tle, ikaw pala iyan. Anong bibilhin mo?” Nilapitan ako ni LC noong makapasok ako sa cakeshop. Nakaapron siya kung kaya naisip ko na baka dito siya nagtatrabaho.
“LC! Anong ginagawa mo dito? Dito ka nagtatrabaho?” Nagtataka kong tanong sa kaniya.
“Hindi. Cakeshop ito ng mama ko. Tumutulong lang ako ngayon. Ano pala ang bibilhin mo.” Bigla akong nahiya noong malaman ko na kanila pala ang cakeshop na ito. Sinabi ko na lamang sa kaniya na kukunin ko ang order na cake ni mama.
“Umupo ka muna diyan Tle, ikukuha kita ng cake. My treat.” Alok nito sa akin ngunit tumanggi naman ako at sinabi ko sa kaniyang nagmamadali ako. Hindi niya naman ako pinilit at sa aming pag-uusap na iyon ay sakto namang dumating ang isa nilang staff at inabot sa akin ang cake.
“O pano. Mauna na ako LC. Hinihintay kasi ni mama ang cake na ito at aalis din siya kaagad.” Paalam ko kay LC at noong tatalikod na sana ako ay pinigilan niya ako.
“Wait lang Tle. Selfie muna tayo, ipopost ko ito sa story ko dahil naging customer ka namin.” Ang sabi niya at hindi ko naman ito tinanggihan. Nagselfie lang kami saglit at umalis na rin ako ng kanilang cakeshop.
Pagkadating ko sa aming bahay ay agad kong ibinigay kay mama ang cake at umalis na rin siya kaagad. Ako naman ay dumiretso na sa aking kwarto at doon ay nanuod lang ng anime. Bumaba lang ako ng hapunan at si papa ang kasama kong kumain. At matapos naming kumain ay umakyat rin ako kaagad sa aking kwarto para magpahinga na.
Noong nags-scroll ako ng mga stories sa Facebook ay bumungad sa akin ang picture namin ni LC. Hindi ito nakamention sa akin kung kaya’y hindi ko napansin na kanina pa pala itong hapon, pinusuan ko lang ito, scrininshot at ginawa ko ring story sa aking FB. Wala pa ngang ilang minutong pinost ko iyon as story ay may nagreply sa story kong ito, walang iba kung hindi si Time.
“Kaya pala hindi ka sumama sa akin kanina kasi may iba kang pinuntahan.” Basa ko sa kaniyang chat at naamoy ko na nagtatampo na naman ito.
“Tumatanggap ka ba ng explanation?” Reply ko naman sa kanya at agad niya itong na-seen. Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng video call mula sa kaniya at sinagot ko naman ito.
“Sige, magpaliwanag ka na.” Bungad na salita nito sa kabilang linya. Nakaopen camera kami kung kaya’y kitang kita ko na katatapos pa lamang niyang maligo dahil nakatopless pa ito at pinapatuyo niya ng tuwalya ang kaniyang buhok. Kita ko rin sa expression ng kaniyang mukha na nagpipigil ito ng inis.
“Ganito kasi yan brad. Inutusan ako ni mama na kumuha ng order niyang cake sa kabilang barangay kanina. Tapos noong marating ko ang cakeshop ay hindi ko akalaing cakeshop pala iyon nila LC. Kaya ayon nagkita kami.” Pagpapaliwanag ko naman sa kanya. Hindi ko na nga alam kung bakit palagi ko na lamang sa kaniya pinapaliwanag kung bakit kami nagsasama ni LC. Inaamin niyang nagseselos siya sa amin, pero tama ba iyon na pagbawalan niya akong makipagkaibigan kay LC eh bestfriend ko lang naman siya?
“Kapag palagi kayong magkasama, meron ka naman palaging paliwanag.”
“Siyempre, palagi ka kasing nagtatanong at alam kong makitid ang utak mo kaya kailangan mo ng paliwanag.”
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomanceWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...