AWMB 14- Okay lang Ako

470 19 0
                                    

Ushiza_Tsuki


Chapter 14 – Okay lang Ako



Seattle’s POV





“I’m the man who can’t be move. ‘Cause if someday you wake up and find that you’re missing me…” Pagsabay ko ng awit sa music na nagmumula sa aking earphone. Kasalukuyan ako ngayong nagjojogging dito sa park, hapon na at dahil naisipan ko na magjogging ay sinunod ko ang aking naisip.




Maganda naman ang panahon ngayon, maggagabi na kung kaya’y wala na ang haring araw, sumisimoy na rin ang malamig na hangin kung kaya’y saktong sakto ang timing ng jogging ko. Marami namang mga tao ang nagjojogging rin dito, meron namang nagbi-biking at nags-skateboarding. May mga tao namang tumatambay at nagdidate sa mga oras na ito. Hindi naman kalayuan ang park na ito sa aming bahay kung kaya’y maya-maya ay uuwi na ako.






Nagpatuloy lang ako sa pagjojogging at noong mapagod ako ay nagpahinga ako saglit. Noong makapagpahinga na ako at unti-unti nang dumidilim ay napagpasyahan kung umuwi at nilakad ko na lamang ang daan.






“Psssst.” May naririnig akong sumisitsit sa akin noong marating ko ang isang eskeneta, shortcut kasi dito kung kaya’y naisipan ko na dito na lang dumaan. Binalewala ko lang iyon at ipinagpatuloy ko ang paglalakad.






“Hoy bingi!” Rinig kong boses mula sa aking likuran kung kaya’y nilingon ko ito. Saktong paglingon ko ay may dumapong kamao sa aking mukha kung kaya’y napahandusay ako sa lupa, dahil hindi ako aware sa pangyayaring iyon ay malakas ang naging impact nito sa akin.







“Sino ba kayo?!” Galit kong sigaw sa dalawang lalaki habang pinipilit kong tumayo.






Noong tumayo ako ay sumugod ulit sa akin ang lalaking sumuntok sa mukha ko kung kaya’y napahanda na ako, nasangga ko ang kanyang kamao at tinadyakan ko siya kung kaya’y napahandusay siya sa lupa. Hindi ko pa nga natutukod ang paa kong ginamit sa pagtadyak ng bigla akong suntukin ng isang lalaki at hindi ko ito nasalo kung kaya’y sapol na naman ang mukha ko at napahandusay ako.





“Sino ba kasi kayo? Anong nagawa ko sa inyo?!” Tanong ko ulit habang nakahandusay pa ako sa lupa.






“Ikaw pala ang gagong dahilan kaya hindi sa akin nagpapaligaw si Danish!” Sigaw nito sa akin at doon ko na nalaman kung bakit niya ginagawa sa akin ito.





“Eh ano kung ako? Bakit kailangan mo akong sugurin? Bakit sasagutin ka ba niya kapag binugbog mo ako?” Matapang kong sabi naman sa kanya.





“Aba matapang ka pala talaga. Tingnan natin kapag puro pasa na ang mukha mo ay magustuhan ka pa rin ni Danish. Tingnan natin kung hindi ka niya hihiwalayan.” Saad naman nito at tinadyakan niya ako. Sinangga ko naman ito gamit ang aking mga braso kung kaya’y hindi ito tumama sa aking mukha.






“Itigil mo na ito! Sino ka ba para gawin mo ito sa akin.!” Galit kong sabi sa kanya at hinila ko ang isa niyang paa kung kaya natumba siya. Doon ay ginantihan ko rin ng suntok ang kaniyang mukha.





Hindi pa nga ako nakakadami ng suntok ng hinila ako ng kasama niya at hinawakan ang dalawang kamay ko at inilagay sa likuran ko, dahil dito ay hindi na ako nakagalaw pa dahil ang lakas ng lalaking humahawak sa akin.






“Pasensiya na pre, hindi kasi siya nakontento lang sa pagbutas ng gulong ng motor mo. Nangangati daw ang kamao niya ngayon eh.” Sabi ng lalaking humahawak sa akin. Nagpupumiglas pa rin ako ngunit hindi ako makawala.






Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon