AWMB 10- Parang Hiking Lang

679 20 0
                                    

Ushiza_Tsuki

Chapter 10 – Parang Hiking Lang

Time’s POV



“Susunduin na kita diyan sa inyo brad. Aayusin ko na ang mga dadalhin ko at pupunta na ako riyan.” Ang sabi ko kay Seattle sa kabilang linya. Ngayong araw na kasi kami pupuntang Mt. Tinalak para maghiking. Plano naming hapon kami aakyat ng bundok para pagdating namin doon ay pagabi na.




“Sige brad, aayusin ko na lang din ang mga gamit ko para pagdating mo dito ay makaalis na tayo kaagad. Mag-iingat ka sa pagda-drive.” Si Seattle sa kabilang linya bago niya ibaba ang video call.





Ayos naman na ang bag na dadalhin ko kaya inihanda ko na ang aking sarili upang umalis. Nagpaalam na rin ako kay mama na ako’y aalis at pumunta na ako sa bahay nila Seattle lulan ang aking motor para siya ay sunduin.





“Oh, Time, nandito ka na pala. Sandali lang tatawagin ko si Seattle para bumaba na siya.” Bungad sa akin ng mama ni Seattle noong makapasok na ako sa kanilang bahay.






“Huwag na po tita, pupuntahan ko na lamang po siya sa itaas.” Magalang na sagot ko sa kanya at tinanguan lang nito ako bilang pagpayag sa aking sinabi. Tinahak ko ang daan papuntang kwarto ni Seattle at naabutan ko itong sinasara na ang zipper ng kaniyang bag.





“Nandito ka na pala brad. Tapos na rin akong mag-ayos ng gamit ko. Tara na.” Sabi nito sa akin noong makita niyang pumasok ako ng kwarto niya. Tinanguan ko naman siya bilang pagsang-ayon, nakita ko ang lotion niyang nakapatong sa kanyang drawer at inilagay ko sa bag niya.





“Aanhin natin to brad?” Nagtatakang tanong nito sa ginawa ko.




“Syempre gagamitin natin.” Natatawa ko namang sagot sa kaniya.




Lumabas na kami ng kaniyang kwarto at bumaba kami upang magpaalam sa kanyang ina. Saktong papaalis na kami ng makasalubong namin ang papa niya kung kaya’y nagpaalam din kami dito.






Tinahak na namin ang daan papuntang Mt. Tinalak. Motor ko lang ang aming dala at nakaangkas siya sa akin. Sa storage box sa likod ng motor ko inilagay namin ang iba naming mga dala, mga gamit na aming gagamitin sa hiking at camping. Nakayakap si Seattle sa akin at sakto lang ang takbo ng aking motor para naman maging maayos ang aming biyahe.






Dinama ko ang magandang tanawin na aming nadadaanan at gayundin ang paglanghap sa preskong simoy ng hangin. Palagi ko namang nadadaanan ang lugar na ito subalit ngayon ay parang bago sa akin ang tanawin at daan na aking nakikita.





“Bakit mo ba naisipang maghiking brad? Ano bang nakain mo?” Rinig kong tanong ni Seattle mula sa likod ko subalit nagbingibingihan ako.






“Ha? Anong sinasabi mo brad. Ilapit mo kasi sa akin ang mukha mo.” Ang sabi ko sa kanya na kunwaring hindi narinig ang sinabi niya. Agad namang inilapit niya ang kanyang ulo sa ulo ko at itinungtong niya ang kanyang baba sa aking balikat upang marinig ko siya ng husto.






“Sabi ko, bakit naisipan mong maghiking at camping?” Pag-uulit niya ng kanyang tanong.






“Ah yun ba? Wala lang, trip ko lang. Nag-iiscroll kasi ako noon ng lumabas sa news feed ko ang Mt. Tinalak at namiss kong bumalik dito. Kung kaya naisipan ko na yayain kang pumunta dito.” Pagpapaliwang ko sa kaniya ng dahilan kung bakit ko siya inaya.






“Ah ganoon ba? Buti na lang pumayag ako.” Sabi niya naman at tinawanan ko na lamang siya.





Nagtuloy-tuloy ang aming usapan habang kami’y nagbibiyahe. Usapang kahit ano, asaran at tawanan hanggang sa marating namin ang destinasyon ng Mt. Tinalak.





Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon