AWMB 44- Bestfriend for Life

424 17 6
                                    

Ushiza_Tsuki

Chapter 44 - Bestfriend for Life

Time's POV

"Congrats sa inyo tol." Pagbati ko kay kay LC dahil ikinasal na siya sa kanyang girlfriend. Inimbitahan kami ni Seattle kung kaya'y dumalo kami at ngayon ay nasa reception na.


"Salamat sa inyo, Tle at Time. Kayo, kailan ba ang kasal?" Masayang sagot ni LC at ikinagulat namin ang tanong niyang iyon.


"Wala pang plano pero hayaan mo, iimbitahan ka namin." Sagot naman sa kanya ni Seattle.



Naging kaibigan ko na rin si LC dahil palagi silang nagkakaroon ng collaboration ni Seattle sa trabaho. Nawala na rin ang selos ko sa tuwing magkasama silang dalawa kung kaya'y naging magkaibigan na kami ni LC. Kaya pala palaging tumatawa si Seattle kapag magkasama silang dalawa ay dahil likas na kay LC ang pagiging mapagbiro. At mas panatag na ang kalooban ko na hayaan na silang magkasama at mag-usap ni Seattle dahil nakatali na siya.


"Gusto mo na ba brad? Tara tawagan natin si father." Nagulat si Seattle sa tanong kong iyon at binigyan niya ako ng isang malutong na batok. Tinawanan na lamang kami ni LC at ng kanyang asawa dahil sa biruan naming iyon.



"Hindi niyo na kailangang magpakasal pa. Daig niyo na kasi ang mag-asawa sa mga kinikilos niyo. Maiwan muna namin kayo at pupuntahan lang namin ang iba naming guest." Pagpapaalam sa amin ni LC at iniwan na niya kami ni Seattle na nag-aasaran pa rin.



Hindi naman kami nagtagal sa reception at umalis rin kami kaagad. Inaya kasi ni mama na doon kami maghapunan sa bahay at hindi namin ito tinanggihan ni Seattle. At ngayon ay papunta na kami doon.



"Bakit hindi mo manlang inayos itong kwarto mo brad, parang walang pinagbago ah." Puna ni Seattle sa kwarto ko, katatapos lang naming kumain at naisipan naming umakyat dito sa aking kwarto.




"Wala lang. Gusto ko lang na ganito lang siya." Hindi ko talaga binago ang aking kwarto dahil gusto ko na ang desinyo nito ay manatili sa kung ano ito hanggang sa pagtanda ko.




"Okay. Alam mo ba brad. Panay pa rin ang sabi ng mama mo na hindi siya makapaniwalang tayo ang magkakatuluyan." Kwento sa akin ni Seattle noong maupo siya sa tabi ko. Napansin at narinig ko nga iyon sa bibig ni mama, paulit-ulit niyang sinasabi iyon kay Seattle kanina.



"Oo nga brad. Ang buong akala niya ay magkaibigan lang tayo. Hindi niya akalaing sa iyo pala siya magkakaapo." Biro ko sa kanya at siniko lang ako nito.

"Gago ka talaga kahit kailan. Tayo magkakaanak? Asa ka?"

"Oo naman. Bakit naman hindi eh gabi gabi nating tinataniman ng punla ang bawat isa, malay mo isang araw mabalitaan nating buntis ka na. O ako."

"Siraulo ka talaga kahit kailan."

"Biro lang brad. Marami namang paraan para magkaanak tayo, pwede tayong mag-ampon, humanap ng surrogate mother at merong nauuso ngayon, yung fertilization chuchu, basta hindi ko alam."


Nagtuloy-tuloy lang ang aming usapan tungkol sa pagkakaroon ng anak. Hindi pa nga kami naikakasal ay usapang anak na kaagad ang topiko namin. Nakakatuwang isipin na pinag-uusapan na namin ni Seattle ang future naming dalawa, at sa future na aming iniisip ay kami talaga ang magkasama.



Dahil gabi na ay hindi na kami umuwi ni Seattle at dito na lang kami natulog sa bahay. Magmula nang naging kami na ni Seattle ay doon ko siya pinatira sa aking unit, tutol siya rito ngunit sa huli ay napilit ko naman siya. Nakabalik na sina Nesh at ang mama niya sa Singapore kung kaya sina tita at tito na lang ang nasa bahay nila, hindi naman namin nakakalimutang dalawin sila doon.


Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon