AWMB 6- Twinning Shoes

630 18 1
                                    

Ushiza_Tsuki

Chapter 6 – Twinning Shoes


Time’s POV

Nasa field na kami ngayon dahil opening na ng Sports Festival. Nagtipon-tipon kaming mga students at players dito sa field para sa  opening program. Tapos na ang opening speech at hinihintay na lamang namin ang formal na sabihing nagsisimula na ang Sports Fest at pati na rin ang pag-anunsyo ng mga schedule ng games.




“The Sports Festival 2022 is now Open!” Anunsyo ng aming school principal at nagpalakpakan kaming mga estudyante, kasabay noon ay ang pagsindi sa higanteng torch bilang simbolo na simula na nang Sports Festival.




Unti-unti nang nagsisialisan ang mga estudyante sa field. Bumalik na ang mga ito sa kanilang mga classroom dahil doon ididistribute ang schedule ng mga games at upang makapaghanda na rin sa first game. Bali six teams kami, mula Grade seven hanggang Grade 12.




“Brad, first game kaagad ang basketball niyo oh. Tapos ang kalaban niyo ay Grade 9.” Sabi sa akin ni Seattle habang ipinapakita ang hawak niyang schedule of games. Agad ko naman itong kinuha at tiningnan.




“Oo nga no. Makapaghanda na nga.” Ang sabi ko naman habang tumatayo at nag-inat-inat ako ng katawan upang ikondisyon ito.




“Wow naman! Same jersey number tapos twinning pa ang shoes. Sana lahat.” Ang sabi ng biglang sulpot naming kaibigan na si Khenven.





Napangiti nalang ako sa kanya at tinanguan ito. Tiningnan ko rin si Seattle at nginitian ko rin siya. Suot-suot kasi namin ang aming sapatos na pareho ang design na sabay naming binili, at tsaka suot din namin ang aming jersey na may parehong nakaprint sa likod na number eleven.



Flashbacks


“Kayong dalawa, bilhin niyo na kung anong bibilhin niyo para makauwi na tayo. Maggagabi na oh.” Sabi sa amin ni Kehlah, nagpapahinga kasi kami ngayon at katatapos lang naming maglaro sa Arcade.




“Sige. Ano nga pala ang bibilhin mo brad?” Sagot ni Seattle sabay tanong sa akin.




“Bibili ako ng sports shoe.” Sagot ko naman sa kanya.




“Hala. Pareho palang sapatos ang bibilhin niyo! Hindi niyo naman ito plinano diba?” Singit naman ni Danish. Kita sa mukha namin ni Seattle ang gulat noong malaman namin na parehas  na sapatos pala ang bibilhin namin.





“Hindi ah. Nagkataon lang. Tara na punta na tayo doon sa store na yon.” Si Seattle at lumakad na ito papunta sa store ng mga sapatos. Ngunit, sa labas palang kami ng store ay tumigil ito ng lakad.





“Saan ba tayo papasok na shop? Sa Nike o Adiddas?” Humarap ito sa amin ng nakangiwi at nakakamot pa sa kanyang batok habang nagtatanong. Ang cute niyang tingnan.





“Sa Nike na lang brad.” Sagot ko naman sa kanya. Magkatabi kasi ang store ng Nike at Adiddas pero sa Nike kami pumasok gaya ng sabi ko.





“Dans, ikaw ang pumili ng design sa akin.” Rinig kung wika ni Seattle kay Danish.





“Huh? Bakit ako? Ikaw na lang, wala akong alam sa mga design ng shoes.” Ang pagtanggi naman sa kanya ni Danish.






“Babe, ito babe oh, bagay to sa iyo.” Sabi sa akin ni Kehlah sabay bigay ng isang pair ng shoe. Sinuri ko ito at hindi ko it nagustuhan kaya binalik ko.





Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon