AWMB 28- Selosan

443 16 0
                                    

Ushiza_Tsuki

Chapter 28 – Selosan

Seattle’s POV


“Ayos na ba ang lahat ng mga gamit mo brad? Siguraduhin mong wala kang nalimutan ha.” Ang sabi sa akin ni Time habang nililigpit niya ang aming mga gamit dahil uuwi na kami ngayon. Tapos ko ng ligpitin ang aking mga dala pero kanina pa paulit ulit sa pagreremind sa akin si Time.





“Nandito na nga sabi ang lahat. Ang kulit naman nito. Baka sa kareremind mo sa akin ay ikaw ang may maiwanan diyan.” Naiinis kong sagot sa kaniya dahil paulit-ulit na siya masyado.





“Easy brad. Ba’t ba ang init ng ulo mo?” Akmang lalapit na siya sa akin para yakapin sana ako ngunit umiwas ako sa kanya, kinuha ko ang aking bag at tinungo ang daan palabas ng kwarto.





“Doon na lamang kita hihintayin sa labas. Ang kupad-kupad mo namang kumilos.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil lumabas na kaagad ako ng kwartong iyon.





Masasabi kong masaya na sana ang gising ko kanina, napakasaya ko dahil tila ba nagbabahay-bahayan lang kami ni Time. Pinagluto niya ako ng agahan at masaya kaming kumain ng almusal. Masaya na sana ang araw ko, kung hindi lang tumawag ang kaniyang girlfriend. Noong mag-ring ang cellphone ni Time ay sinagot niya ito kaagad at lumabas siya para hindi ko marinig ang kanilang usapan, alam kong si Kehlah ang nasa kabilang linya. Noong tumawag sa kanya si Kehlah ay doon ko na-realize at naalala na tago lang pala ang pag-iibigan naming ito ni Time. Tila nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil ang simpleng tawag na iyon ay nagpamukha sa akin na hindi ako ang top priority, masasabi ko na isa akong kabet. Kung kaya’y magmula kanina ay parang wala na ako sa mood at tinatamad ako.







“Brad, bakit ba ang lalim ng iniisip mo?” Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Time mula sa aking likuran at tinanong niya iyon sa akin.





“Hindi mo ba gusto na aalis na tayo? Siguro iyon nga ang dahilan, pero huwag kang mag-alala dahil babalik naman tayo dito. Alam mo namang ako ang may-ari nito.” Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. Tinitigan ko na lamang siya at siya’y aking nginitian, hindi ko ipinahalata na ako’y malungkot o may iba pang iniisip.





“Sabi ko na nga ba eh. Nakangiti ka na, so ibig sabihin hindi mo pa gustong umalis tayo dito. Gusto mo pa akong masolo.” Dagdag pa na sabi nito kung kaya’y hindi ko na napigilan ang aking sarili na batukan siya.





“Masolo ka diyan! Tara na nga alis na tayo.” Kukunin ko na sana ang bag ko ngunit pinigilan ni Time ang aking kamay at hinila niya ako palabas ng bahay.





“Teka brad! Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kaniya habang hila-hila niya pa rin ako. Alam ko na sa likod ng bahay papunta ang daan na ito ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon.






“Basta, may ipapakita ako sa iyo bago tayo umalis dito.” Kita sa kaniyang mukha na excited siyang ipakita sa akin ang kung anomang naroon sa likod ng bahay.






Pagkarating namin sa likod ng bahay ay bumungad sa amin ang isang magandang hardin at puno ito ng sari-saring mga bulaklak, nagpadagdag sa kagandahan ng hardin na ito ang mga nagliliparang paru-paro at tutubi sa mga bulaklak. Akala ko ay iyon ang ipapakita ni Time sa akin ngunit hindi pala, pinasok namin ang isang makitid na daan at doon ay may nakita kaming isang maliit na grotto. Ang groto ay pinaliligiran ng mga halaman at sa harap ng grotto ay may maliit na fishpond.






“Maganda ba brad?” Tanong sa akin ni Time. Nakita niya siguro sa mga mata ko ang mangha sa aking nakikita kung kaya’y tinanong niya ako.




Affair with my Bestfriend (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon