Ushiza_Tsuki
Chapter 33 – Usap Tayo
Time’s POV
Magmula noong makita ko muli si Seattle ay hindi na siya naalis sa aking isipan. Palagi kong iniisip kung kailan ko siya muling makikita at makakausap. Balak ko na puntahan siya sa bahay nila ngunit nahihiya ako, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Palagi ko namang dinadalaw sina tita at tito sa kanilang bahay ngunit ngayon ay nahihiya akong dalawin sila dahil nandoon na si Seattle, at parang wala siyang pakialam sa akin kung kaya’y nawawalan na rin ako ng pag-asang makausap siya. Gusto ko lang namang humingi ng kapatawaran sa kanya, at gusto kong malaman kung napatawad na ba niya ako.
“Susunduin na lang kita diyan sa school niyo.” Ang sabi ko kay Kehlah sa kabilang linya. Nagmamaneho ako ngayon at balak kong sunduin siya sa paaralan nila. Malapit na kasi ang graduation nila kung kaya’y naisip kong ayain siyang magdate at bilhan ng gusto niyang regalo.
“Sige, chat ka na lang kung sa labas ka na.” Huling sabi ni Kehlah bago niya ibaba ang tawag. Ipinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho patungong paaralan nila Kehlah.
Dahil sa traffic ay natagalan ako, mabagal ang takbo ng aking sasakyan. Sa kadahilanang mabagal ang takbo ng aking sasakyan ay palinga-linga lang ang tingin ko habang nagd-drive. At nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na mukha at hindi ako nagkakamali, si Seattle iyon.
“Ang saya mo naman. Sana ako na lang ang dahilan ng kaligayahan mo.”
Bulong ko sa aking sarili habang tinititigan si Seattle sa loob ng isang Japanese restaurant. Masaya siyang kumakain kasama si Nesh, nagtatawanan sila at alam ko na nag-eenjoy sila ngayon. Nakadama ako ng lungkot nang makita ko si Seattle na masaya kasama ang kaniyang girlfriend. Sa sandaling ito ay napahiling ako na sana ay ako ang kasama niya ngayon.
“Beeeeeeepppppp! Beeeppppp!” Naalis ang atensyon ko sa kanila noong marinig ko ang busina ng sasakyan mula sa aking likuran. Tumingin ako sa harap ng aking sasakyan at malayo na pala ang agwat ko sa naunang sasakyan. Kung kaya’y binilisan ko na lamang ang takbo ng aking sasakyan.
Habang ako’y nagmamaneho ay umukit sa aking isipan ang masayang mukha ni Seattle. Ang laki na ng pinagbago niya, lalo siyang naging gwapo at naging matipuno ang kanyang katawan, hindi na ako magtataka kung sa loob ng anim na taon ay marami na ang naging babae niya. Hindi kagaya ko na siya lang ang inisip sa loob ng anim na taon.
Pagkarating ko sa parking lot ng paaralan ni Kehlah ay nakita ko na nandoon na siya at hinihintay ako.
“Pasensya na, traffic eh.” Ang sabi ko sa kanya at pinagbuksan ko siya ng pintuan. Agad naman siyang sumakay kung kaya’y bumalik na ako sa driver’s seat at sinimulan ko nang magmaneho.
“So, saan tayo?” Tanong sa akin ni Kehlah noong makapwesto na siya sa passenger’s seat.
“Mall na lang. Kain. Arcade. Sinehan. Shopping. Okay ba yun sa iyo?” Direkta kong sagot sa kanya habang nakapokus ako sa daan.
“Sure. Libre mo eh.” Sagot niya naman at kita ko sa aking peripheral vision na nakangiti siya.
Tandang tanda ko pa kung paano nauwi sa ganitong relasyon ang meron kami ngayon ni Kehlah. Si Kehlah ay girl bestfriend ko, from girlfriend ay naging girl bestfriend ko siya.
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomanceWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...