Ushiza_Tsuki
Chapter 7 – Concern
Time’s POV
“Ikaw pala brad. Ba’t ka nandito? Tapos na ba ang game niyo?” Nakangiwing tanong ni Seattle sa akin.
Tinitigan ko lang siya ng seryoso at hindi ko sinagot ang kanyang tanong sa akin. Naiinis kasi ako kung bakit hindi manlang ito nagsabi sa akin na sumali pala siya ng Table Tennis. Ewan ko nga ba kung bakit ba ako naiinis ng ganito.
“Oy brad! Panalo ba kayo?” Tanong ulit nito sa akin pero tinitigan ko pa rin ito ng seryoso.
“Bakit ba hindi ka manlang nagsabi sa akin na sasali ka ng Table Tennis?” Seryosong tanong ko sa kanya.
“Eh kasi, nilista din ako nila ng hindi ko nalalaman kaya napalaro na lang ako ng biglaan.” Nakangiwing sagot nito habang kinakamot ang kanyang batok.
“Tanungin mo pa si Ehra. Ehra! Punta ka nga dito.” Dagdag pa nito at tinawag ang kaibigan namin na Table Tennis player din. Lumapit naman ito sa kinatatayuan namin. Hindi pa rin nawala ang pagkaseryoso sa aking mukha.
“Sabihin mo nga dito kay Time na nilista mo ako ng hindi ko nalalaman sa Table Tennis.” Wika nito kay Ehra noong makarating na sa amin.
“Oo Time. Nilista ko siya sa Table Tennis ng hindi niya alam, wala kasi tayong player at alam ko na marunong siyang maglaro nito. Pero magaling din pala siya kaya hindi nga ako nagkamaling inilista siya ng palihim.” Proud na sabi ni Ehra sa akin.
“Ganoon ba? Eh bakit ba hindi mo manlang hiningi ang kanyang abiso? Bakit mo siya inilista ng palihim?” Seryoso ko paring tanong sa kanya.
“Why so serious naman brad! Hayaan mo na panalo na ako sa first game ko oh!” Singit ni Seattle sa tanong ko at inakbayan ako nito.
“Sige na Ehra, mauna na kami. Good luck sa game mo.” Dagdag paalam nito kay Ehra at hinila na niya ako paalis ng Function Hall. Hindi na ako komontra pa at sumunod na lang ako ng tahimik sa kanya.
“So ano brad? Panalo kayo?” Tanong ulit nito sa akin. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
“Seryoso pa rin ng mukha nito. Sinabi ko na ngang sinet-up ako eh. Smile ka na diyan dahil pareho naman tayong panalo.” Sabi nito at inilagay niya ang daliri niya sa bibig ko para ipakurting nakangiti ito. Hindi na nga ako nakapagsimagot pa dahil napangiti ako sa ginawa ng bestfriend ko.
“Pero bakit sinabi mo kina Kehlah na maglalaro ka ng chess kanina?” Ang tanong ko sa kanya noong maupo kami sa upuan ng canteen. Naisipan kasi naming kumain kasi nagutom at napagod kaming pareho.
“Yun nga din ang akala ko eh, sabi kasi sa akin may game daw ako sa chess. Pero noong makabalik ako sa room ay hindi daw chess kundi table Tennis yung game ko. Nalito nga ako at nagtaka kung bakit sa Table Tennis ako maglalaro, at doon nga ay nalaman ko na nilista pala ako ni Ehra. Dahil sa no choice ako at wala naman akong laro ay sumali na lang ako.” Mahabang paliwanag ni Seattle habang nginunguya ang kanyang pagkain.
Hindi na ako nagtanong pa sa kanya at ipinagpatuloy na lang namin ang aming pagkain. Noong nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain ay dumating sina Kehlah at Danish, pinasabay namin silang kumain doon sa aming pwesto.
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomanceWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...