Ushiza_Tsuki
Chapter 2 – Si Girlfriend
Time’s POV
“Babe ubusin mo na yan, marami pa ang natitira oh, tingnan mo ang payat-payat mo na.” Pangungulit ko sa aking girlfriend na ubusin na ang pagkaing dala ko sa kanya. Matagal kasi itong kumain at sa sobrang tagal ay hindi naman niya nauubos ang pagkain.
Si Kehlah Hermosa ang aking girlfriend, Junior High School siya at nasa Grade 10 na, almost 2 years na kaming magkasintahan nito. At hanggang ngayon ang aming relationship ay getting stronger and sweeter.
“Nagpapabebe lang yan sa iyo Time, subuan mo na lang kaya para maubos na ang kinakain niya.” Sabat naman ng bestfriend niya na si Danish Kate Salvacion.
“Tumahimik ka nga diyan, gusto mo lang kainin itong kinakain ko eh. Oh heto na, sayo nalang!” Sagot naman ng girlfriend ko at ibinigay nga neto ang kanyang kinakain sa bestfriend niya.
“Ayown! Thanks besh!” Pagtanggap ni Danish.
“Oopps! Ibalik mo yan dito hindi sa iyo yan.” Agaw ko sa pagkaing ibinigay ng girlfriend ko sa bestfriend niya pero di ko na ito nakuha kasi nilagay na niya ito sa kanyang bibig at biglang umalis.
Si Danish ang nililigawan ni Seattle, mahigit tatlong buwan na niya itong nililigawan pero ewan ko ba kung bakit hindi pa rin sila hanggang sa ngayon. Sa tingin ko na bagay naman sila kahit na magkaiba ang kanilang personalidad, si Danish ay matakaw sa pagkain habang si Seattle naman ay mapili sa pagkain. Good match.
“Babe saan ka maglulunch mamaya?” tanong sa akin ni Kehlah.
“As usual doon sa tambayan. Bakit, gusto mo dito na lang ako?” Sagot at tanong ko sa kanya. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon. Hindi ko naman ito kayang tanggihan kasi nga mahal ko siya. At palagi naman na dito ako kumakain sa kanilang classroom, kung minsan sumasama rin si Seattle para makapagdiskarte sa nililigawan niya.
“Ikaw na lang ang bumili ng pagkain ko mamaya babe ha, kahit ano na lang.” sabi niya sa akin.
“Anong kahit ano? Anong lasa nun? Meron ba doon sa canteen na tinitinda sila?” Pang-aasar ko na tanong sa kanya. Kumunot tuloy ang kanyang mukha.
“Eh! Basta kahit ano, basta wag mong kalimutan.” Pagmamaktol neto.
“Paano kapag nakalimutan ko, pwede bang ako na lang ang kainin mo? Sabi mo kahit ano eh.” Tuksong tanong ko sa kanya. Hindi kaagad ito nakapagsalita at bigla siyang namula.
“Hindi naman ako cannibal para kainin ka no! Umalis ka na nga tapos na ang break time oh!” Saad naman nito habang tinutulak na ako palabas ng kanilang classroom.
“Kiss muna para makaalis na ako.” Paglalambing ko sa kanya at binigyan niya naman ako ng smack kiss sa aking labi.
“Hindi daw cannibal eh bakit mo kinain ang labi ko?” Pang-aasar ko ulit sa kanya at muli na naman siyang namula.
“Oyyyyyyyy…. Ang sweet! Dami nang langgam dito oh!” Panunukso ng ilan niyang mga classmates. Hindi na nakasagot sa tanong ko ang aking girlfriend at pinagtulakan na nito ako palabas ng classroom nila.
“See you later babe!” Pahabol ko naman sa kanya sabay flying kiss. Tinanguan lang ako nito bilang pagsang-ayon.
Pagkadating ko sa aming classroom ay hindi pa naman nagsisimula ang klase. Nakita ko ang katabi ko na busy sa kanyang ginagawa, may mga nakasulat na numero sa kanyang papel at nilalaro niya ang kanyang ballpen kung saan sa mga numero titigil o tuturo ang ballpoint. Natawa na lamang ako habang tinitingnan siyang seryosong-seryoso sa kanyang ginagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/320370045-288-k74252.jpg)
BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomanceWARNING❗Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below🔞. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...