Prologue
"Noon, ang paraan nila upang makapagpadala ng mensahe para sa mga mahal nila ay ang sulat" tumatangong saad ng prof namin sa harap.
Umasim ang mukha ko. Nakita ito ni Anjo, ngumisi ito sa akin at umiling.
"That's too old" Mahina kong saad.
"Exactly!" Napaayos ako ng upo dahil sa sigaw ng prof namin "It's old because they lived in their era"
Ngumuso ako, mahina na 'yun pero narinig niya pa rin.
"So, for our activity on the last three days of our sem is, I want you to write a letter for someone whom you want to give. It's up to you kung nandito sa loob ang gusto niyong sulatan o nasa labas, basta nandito sa loob ng school. To make sure na meron kayo ay kailangan niyong ipakita sa akin ang sulat niyo at ako na mismo ang magbibigay non sa kanila. What you just need to do is put his or her full name on the cover para hindi na ako mahirapan. I need it tomorrow onwards, kung wala kayo, ay hindi ko rin ibibigay ang grade niyo. Nagkakaintindihan ba tayo Ms. Montemayor?" Mataray na baling niya sa akin.
Rinig ko ang mahinang pagtawa ng kaibigan ko sa gilid kaya naman ay siniko ko ito bago ko sagutin ang prof kong nakatingin pa rin sa akin.
"Opo..."
"Good then, aasahan ko kayong lahat. Class dismissed" tumayo na ito sa kaniyang upuan at niligpit ang kaniyang gamit.
Tahimik ko itong hinintay bago tuluyang lumabas.
"Alexis! Ikaw na talaga ang paborito ni Ms. Asuncion" lapit sa akin ni Anjo.
Umupo ito sa desk ko at humarap sa akin. Umirap ako.
"I'm just telling the truth, tama naman Gayle diba?" Pagpilit ko.
Kibit balikat akong sinagot ng kaibigan ko. Huminga ako ng malalim.
"At sino naman ang susulatan ko, aber?" Reklamo ko.
"Ako nalang" presenta ni Anjo na muli kong inirapan.
"Magtigil ka Anjo, you need to do it seriously dahil minsan nalang 'to mangyari sa atin" Gayle said.
"I'll do it seriously, don't worry. Right Alexis?" Ngiting pang-asar sakin ni Anjo.
Umiling ako, sumenyas ako kay Gayle na tumayo na at iwanan ang mokong na 'to para makapaglunch na kami.
"Saglit lang sasama ako" habol niya saming dalawa ng makalabas na kami ng room.
"Kailan ang alis niyo?"
"Baka sa sabado na. Hindi ko pa alam" sagot ko.
Muling tinamad ang buong sistema ko nang maalala kung gaano karami ang gagawin ko mamaya.
"Babalik rin kayo agad?"
"Oo, mage-enroll rin ako sa para sa second sem"
"Mabuti naman pala at dalawang linggo lang kayo doon. 'di ko kayang mawalay sayo ng matagal" Anjo dramatically said.
Kumunot ang noo ko habang nandidiri siyang tiningnan.
"Baliw!" Tanging saad ko habang natatawa.
Hapon na ng makauwi ako sa bahay. Kita ko ang mga gamit namin na nakatambak sa sala, napakamot ako sa ulo.
"Manang, kela mama po ba ito?" Turo ko
Tanging tango lang ang nagawa ni manang habang may nililigpit pang iba.
Napakarami naman nilang dadalhin? Dalawang linggo lang kami roon pero parang magi-isang buwan pa kami dahil sa dala nila.
"Nasaan po sila?"
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...