Chapter 12

9 2 0
                                    

Chapter 12

Mataas na mga dingding at malawak na lupain ang bumungad sa amin pagkapasok palang namin sa loob ng gate.

Sa labas palang ay kita na ang mga ilaw pero mas lumiwanag pa ito. Ang kanilang mamahaling hagdanan ay mayroon iilang tao na nakatambay, karamihan dito ay kababaihan.

"Nasa loob na rin sila heneral Lucio at kapitan Gomez, narito rin ang ilan nating kasamahan sa kampo" heneral Antonio said.

Bumaba na kami nang sasakyan matapos niya itong mai-park sa mga katabing sasakyan.

"Halika na?" Tanong niya sa akin, marahan akong tumango.

Ibinigay niya ang kaniyang kanang kamay para maging suporta ko. Muntik pa akong mapamura nang matalisod ako paakyat sa hagdanan.

"Kinakabahan ka ba?" He asked.

Umiling ako kahit na ang totoo talaga ay kinakabahan nga ako.

Kung tutuusin ay sanay ako sa mga ganitong event, mas malala pa kung kasama ko si Abigayle at ang iba kong pang mga kaibigan, pero iba ang ang taon ngayon. Hindi ko alam kung paano ang dapat na kilos dito.

Muli akong napakapit kay heneral nang masagi ako ng waiter, ako lang ang nakapansin 'non dahil busy ang lahat sa pakikipag-usap kagaya ng katabi ko ngayon.

"Hey Antonio, how are you?" Saad nong matandang lalaki na pumunta sa kaniya.

Napalingon sa kaniya si heneral at ngumiti.

"Dr. Sebastian, it's been a long time. I'm fine, how about you?" Tanong niya sa matanda.

Ma-uban na ang buhok nito at malalaman mo na kaagad ang kaniyang dinadalang lahi dahil sa kutis at itsura neto.

"What do you think?" Saglit itong tumigil para ipakita ang malusog niyang katawan kay heneral. "I am fine, as always" dugtong niya.

"Wait, and who is this beautiful lady here?" Kuryuso niyang tanong nang mapansin ako.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Hi s-sir! I'm Alejandria Apostol, assistant of heneral Antonio" pagpapakilala ko.

"Oh! Antonio's assistant in?..."

"Medicine, Dr. Sebastian" singit sa amin ni heneral.

Pilyong ngumiti ang matanda.

"I get it..." Tumatango niyang saad "Hello Alejandria! I am Dr. Sebastian from America, it's nice to meet you" pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.

"It's nice to meet you too, Dr. Sebastian" I answered.

"Look's like you scouted someone's great Antonio, I can sense it"

"Oh, you know me Dr. Sebastian. I have an eye for those talented people"

"And mind you if I heard it correctly, you're an Apostol?" Muling tanong ng matanda sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

"Yes sir..."

"Are you connected to heneral Alejandro?"

"He's my father" mabilisan kong sagot.

Bigla itong pumalakpak ng isang beses at malakas na tumawa.

"I knew it! That's why you're familiar. I can see your father's face to you" tumikhim ako.

"Who's father?" Singit na tanong sa amin ng kakarating lang na matandang lalaki.

Ma-uban na rin ang buhok neto pero kahit na ganoon ay kita pa rin ang kagwapuhan at kakisigan ng matandang ito.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon