Chapter 7

9 1 0
                                    

Chapter 7

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, kinalaunan ay ngumiti. That dream is strange, or maybe lola Alejandria's memories?

Kung oo at isa 'yon sa mga ala-ala niya, ay alam ko na kung kanino ako nagmana pagdating sa mga manok.

Bumangon ako sa kama at itinabi ang relo sa aking gilid.

Kumuha ako ng damit sa damitan ni lola at doon ay nakita ko ang suot suot niya sa aking panaginip. Wala sa sariling kinuha ko yun at hinanda na ang aking sarili para makapunta na sa kapitolyo.

Pagkarating palang doon ay ang ingay na agad ng mga sundalo ang bumungad sa amin ni lolo Alejandro.

Muli siyang binati ng mga naroon, samantalang ako ay dumeretso na sa opisina ni lolo Antonio. 

"Heneral, magandang umaga" bati ko sa kaniya kahit na may kausap pa ito sa kaniyang harap.

Tumango lang siya sa akin at itinuon muli ang atensiyon sa harap.

Dito sila sa labas nag-uusap, sa tingin ko ay nagkasalubong lang silang dalawa. Gumilid ako, hihintayin ko nalang siya para sabay na kaming pumunta sa kaniyang silid.

"Kailangan namin ng doktor heneral at naisip namin na ikaw nalang ang ipadestino doon dahil masyadong mapanganib kung magpapadala kami ng isang sibil na walang kaalaman sa paglaban" seryosong usapan nila.

Napataas ang aking kilay

"Naiintindihan ko, dadalo ako mamaya sa pagtitipon niyo upang pag-usapan rin ang tungkol rito" saad niya.

Tumango tango ang kausap niya sa kaniya

"Aasahan kita heneral" malaya itong nakipaglahad ng kamay kay lolo Antonio na tinanggap naman niya agad.

Pagkatapos nila ay sakin naman dumako ang tingin niya.

"Aalis tayo ngayon papuntang sentro, kailangan kong bumili ng mga gagamitin mo"

Natulala ako sa sinabi niya. That sentence, I already heard it from him.

"Binibining Alejandria?" Tawag niya sa akin. Pinilig ko ang aking ulo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Pumunta ito sa akin at pinatong ang likod ng kaniyang kamay sa aking noo.

Napaatras ako "A-ayos lang heneral" nauutal kong saad.

Kumunot ang kaniyang noo ngunit hindi na rin kumibo pa.

Papunta palang kami sa kaniyang silid ay nakita ko na si Jefferson na nakatingin sa akin. Napahinto ako, muli kong naalala ang nangyari kahapon.

Ang pagbabanta ni Joseph sa pamilya ko ay hindi ko matatanggap. At alam kong ganoon rin si lola Alejandria, maiintindihan niya ako.

Lumapit ito sa akin at sa paglapit niya ay naalala ko ang panaginip ko kanina. It is a deja vu, alam ko na ang mangyayari.

"Binibini, pwede ba kitang makausap?" At tulad ng inaasahan ko ay nangyari nga ito.

Napatingin ako kay lolo Antonio. Nakita ko ang mga suot niyang damit na katulad rin sa panaginip ko kanina, ganon rin ang kay Jefferson.

Kung magpapa-alam ako kay lolo ay alam kong papayag siya at ayokong mangyari yun, hindi pa ko handa na kausapin siya.

"Sa labas na kita hihintayin binibini" paalam niya at pumasok na sa loob ng kaniyang silid.

"Binibini, tungkol sa nangyari kahapon. Nabanggit ni Joseph ang mga sinabi niya sa 'yo at gusto kong humingi ng paumanhin--"

"Ayos lang" putol ko sa kaniya.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon