Chapter 20

9 1 0
                                        

Chapter 20

"Binibini..."

Kunot noo kong tiningnan si Susette. Simula nang magkita kami ay siya na ang palaging naghahatid ng pagkain ko.

Inilapag niya ang tray sa maliit na lamesa at pagkatapos ay panay ang tingin sa labas, tila'y hindi siya mapakali.

"Kung itatakas kita rito, maipapangako mo ba na wala kang sasabihin sa inyong kampo tungkol sa amin?" Biglaang niyang saad na nagpabalikwas sa akin.

Mabilis akong tumango sa kaniya.

"Kung ganon ay maghanda ka mamayang hating-gabi. Huwag na 'wag kang magpapahalata kay Eliziar dahil baka mabuking tayo" mabilis na saad niya.

Muli akong tumango sa kaniya.

"Kumain ka na para may lakas ka mamaya"

Sinunod ko siya, dahan dahan akong pumunta sa pagkain na inihain niya para sa akin.

Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan pero hindi ko magawang tanungin ang lahat sa kaniya maliban sa isa...

"Bakit?" Kuryuso kong tanong.

Alam kong isa siya sa mga malalapit na kaibigan ni Eli at kung magagawa niyang patakasin ako ay baka magalit siya.

"May balita kaming natanggap na nagpatawag ng malaking pwersa ang inyong kampo para hanapin ka... Kapag natunton ka rito ay mahihirapan kami kaya kung ikaw ang tanging paraan para pigilan 'yon ay gagawin namin"

"Namin? Sino sino kayo?" Lito kong tanong.

"Ang ka' Berting at ang alyansa niya. Simula palang ay hindi na siya sang-ayon kay Eliziar na panatilihin ka rito. Masyadong mapanganib para sa amin ang dalhin ka dito dahil sa 'yong kasarinlan"

"Pero baka pag nalaman ng 'yong ibang mga kasamahan ang pagpapatakas mo sa akin ay baka parusahan ka" nag-aalala kong tanong.

Ngumiti ito sa akin "Ang ka' Berting ang may utos. Walang sinuman ang maaring tumutol sa kaniya--"

"Maliban kay Eli, tama ba ako?" Putol ko sa kaniya.

"Tama ka binibini... Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa pinsan ko para magkaganon siya" umiiling na saad niya. "Ngayon ko lang nakita ang pagkabaliw niya sa isang babae"

"Maski ako ay hindi rin inaasahan 'to. Hindi ko alam na nilalagyan niya na pala ng malisya ang mga kabutihang ginawa ko sa kaniya... Paumanhin"

"Wala kang dapat na ihingi ng tawad binibini, kung meron man ay dapat kami 'yon... Paumanhin kung nasaksihan mo ang bawat kaguluhan sa lugar na 'to. Ayaw man namin ay kailangan pa rin naming gawin dahil may pinaglalaban kami"

"Ano nga ba ang inyong pinaglalaban?"

"Ang palayain ang lugar na 'to sa kamay ng mga sundalo."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi ba't sila pa ang nagtatanggol sa mga mamayan na narito?"

Muli siyang ngumiti sa akin.

"Hindi lahat ng sundalo ay mababait katulad ng nobyo mo binibini, mayroon pa rin mga mapagsamantala. Katulad ng mga magnanakaw na kumukuha ng porsyente sa maliliit na mga mga tindahan at tao, sinasamantala ang kahinaan ng mga kababaihan at mistulang mga nagiging hari sa bawat parte ng Tangway kung makautos."

Mulungkot niyang saad. "Ang iilan sa mga babaeng nandito ay biktima ng pang-gagahasa... Miski ako..."

"My gosh!..." Gulat kong saad.

Natutop ko ang aking bibig pagkatapos ay masuyo siyang tiningnan.

"Pa-paumanhin"

Ang kaniyang mga ngiti ay napalitan ng pagkapoot sa kaniyang mukha. Pero kahit na ganon ay nanatili siyang kalmado sa aking harap.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon