Chapter 25

9 1 0
                                    

Chapter 25

"Jo-Joseph!" Gulat na saad ko.

Kinuha niya ang nakataling kamay ko saka muling itinali yon sa pader.

Lito akong napatitig sa seryosong mukha niya. Pagkatapos ay muling tumingin kay Eli na nasa tabi ko.

"Magkasabwat kayo?" Gulat na saad ko.

Tanging titig lang ang binigay sa akin ni Joseph samantalang hindi naman ako pinansin ni Eli.

"Pupuntahan ko ang iba nating kasamahan. Ikaw na muna ang magbantay kay binibining Alejandria, kaibigan" saad ni Eli kay Joseph.

It hits me now. Hindi si Jefferson ang villain dito kung hindi si Eli! Siya yung nasa gubat na papatay rin kay...

Nahirapan akong huminga at tumingin sa taong nais kong banggitin.

Hindi na kataka taka kung magagawa ito ni Joseph, noong nasa kapitolyo palang kami ay binantaan niya na ako at nakita ko ang mukha niya sa panaginip ko kung saan ako napahamak.

"Alam mo bang naroon kanina ang kapatid mo sa bahay? Hindi lang ako ang inilagay mo sa kapahamakan kung hindi pati na rin ang kapatid mo"

Napupuyos kong saad sa kaniya. Kailangan kong sabihin ito sa kaniya dahil baka sakaling mabago ko ang tadhana.

"Kung hindi lang nangialam ang 'yong ama sa relasyon namin ni Georgeanna ay hindi ito mangyayari"

Napaawang ang bibig ko, dahil sa pagmamahal ay handa talaga siyang gawin ito.

"Pwes! Paano si Georgeanna kapag nalaman niya ito? Hindi mo ba 'yon naiisip?"

"Kaya ko ito ginagawa ay para malayo siya sa Antonio na 'yun! Para pwedeng maging kami. Hindi sila pwedeng ikasal Alejandria, naiintindihan mo ba yun? Hindi sila pwedeng ikasal!" Paguulit niya

"Kanselado na ang kasal nila Joseph..." Napatigil ito sa sinabi ko.

Umiling ako sa kaniya, hindi niya alam ang balita.

"Ang pagsasalo kanina ay para sa nalalapit naming kasal ni Antonio" 

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo binibini?" Natatawa niyang saad.

Hindi naniniwala sa sinabi ko. Tiningnan ko siya ng deretso.

"Buntis ako..." seryoso kong saad.

"Alam na ni manang sa amerika ang tungkol sa amin ni Antonio" dugtong ko.

"Hindi... Hindi totoo 'yan" kontra niya.

"Malapit na ulit siyang bumalik dito Joseph. Pwede na sana ulit kayo, kukuhain mo nalang ang loob ni itay pero ano 'to? Kasabwat ka ng taong dumakip sa akin!"

Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha ko. Siya naman ay wala sa sariling napaupo sa sahig.

"Alam mo bang sinaktan ng taong 'yan ang kapatid mo kanina? May tama si Jefferson, Joseph." Sumbong ko sa kaniya.

"A-ano?"

"Tinulungan ni Jefferson ang inay kanina. Natamaan si Jefferson nang paputukin ni Eli ung baril"

Nagdilim ang mukha ni Joseph sa sinabi ko. Nagtiim ito ng bagang saka kinuyom ang kaniyang kamao.

"Malubha ba ang tama niya?"

Umiling ako.

"Hindi ko alam..." Totoong saad ko.

Tiningnan ko ang mga kamay kong namumula dahil sa higpit ng pagkakatali nito. Tingin ko ay may kaunting gasgas na ito kung tatanggalin.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon