Chapter 9

9 1 0
                                    

Chapter 9

"Isang Apostol, may dugong maharlika." Tumatangong saad ni heneral Lucio

"Hindi ko lubos maisip na pumayag si heneral Alejandro na dalhin ang babaeng anak niya sa mapanganib na lugar na 'to" dugtong niya.

Hindi ako nakaimik.

"Paano ba naman heneral, si heneral Antonio ang napagbilinan. Alam mo naman na kung gaano katiwala ang pamilya nila sa mga Dela Vega, hindi ba?"

"Tama na 'yan mga kaibigan. Nais ko sanang dalhin ang binibini sa aming kubo para makapagpahinga na mula sa malayong biyahe. Pwede ko bang malaman kung saan 'yon?" Buti naman at may pakiramdam siya. Hinihila na rin talaga ako ng antok kahit na nakatulog na rin ako sa biyahe kanina.

"Fernando" tawag nila, lumabas muli ang lalaki na naghatid samin kanina rito.

"Ihatid mo ang binibining Alejandria sa kanilang tutuluyan" utos niya.

Marahan na tumango si Fernando at iginiya ako palabas. Susunod na sana sa akin si lolo Antonio nang pigilan ko siya.

"Alam kong may mahalaga pa kayong pag-uusapan. Ako na ang maghahatid sa aking sarili papunta sa kubo" presenta ko.

Tila'y hindi kumbinsido si lolo sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Sigurado ka?" Nag-aalala niyang saad.

I nodded. He sighed deeply at hinayaan na akong lumabas sa kwartong 'yon.

Pagkalabas namin ay muli kong nakita ang mga sundalo na nag-iinuman na muli ngayon. Batid kong may iilan sa kanila ang nakatingin sa akin habang papunta kami ni Fernando sa isang makipot na daan.

Hindi ko sila pinansin, tuloy tuloy lang ang pagsunod ko kay Fernando. Pagkalaan ng ilang minuto ay tumigil kami sa harap ng isang kubo.

Ito lang ata ang nag-iisang kubo rito na malayo at hindi masyadong dikit sa iba.

"Dito na po binibini" magalang na saad sa akin ni Fernando.

"Maraming salamat ginoo" Pagpapasalamat ko at pumasok na sa loob.

Madilim ang paligid, tanging buwan nalang ang nagsisilbing ilaw ko ngayon. Nakita ko pa si Fernando sa labas, pero hindi ko na siya pinansin.

Pumasok kaagad ako sa isang silid na nakita ko, nagbabakasakaling 'yun ang magiging kwarto ko at tama nga ako.

Nakita ko ang kama sa gitna, dali dali akong pumunta roon at humilata. Inaantok na talaga ako kaya naman ay hindi ko na rin namalayan na unti unti ng bumigat ang talukap ng aking mata dahilan ng aking mahimbing na pagtulog.

Kinabukasan ay naalimpungatan ako sa amoy usok. Dinilat ko ang aking mga mata at nagpagulong gulong sa kama, may nagsisiga pa ata sa labas.

Nang magsawa ay umupo ako at ginala ang paningin sa buong silid ng aking pinagtulugan.

Maaliwalas ang paligid, tila'y naalagaan ang silid na 'to dahil ang kalat lang na nakikita ko ay ang mga bag na dala dala ko.

Sinong nagbuhat nito dito? Baka si Fernando dahil siya ang napag-utusan ng mga ginoo kahapon.

Kinuha ko ang bag at inayos ang mga ito sa kabinet. Nang matapos ay kumuha na rin ako ng damit na susuotin ko ngayon.

"Binibini, gising ka na ba?" Tatlong katok mula sa aking pintuan.

Inayos ko muna ang aking basang buhok bago lumapit roon ng dahan dahan at buksan.

"Heneral, magandang umaga" mahinang bati ko sa kaniya.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon