Chapter 26

6 0 0
                                    

Chapter 26

Anthony's POV

"Heneral Tonyo!" Sigaw na tawag sa akin ni Fernando.

Ibinaba ko ang piston sa aking kamay saka siya kunot noong tiningnan.

"May sulat para sa 'yo" mas lalong kumunot ang noo ko nang makitang galing ito sa aking pamilya.

Sa papel pa lang ay alam ko na agad na si itay ang nagpadala neto.

Binuksan ko 'yun at binasa.

'Antonio,

Anak, ako ay uuwi sa pilipinas kasama ang iyong ina. Nais ko sanang imbitahan ka sa isang importanteng pagsasalo na magaganap sa oras na makabalik kami. Ito ay para na rin i-kumusta ka sa iyong naging paglalakbay.

Ang iyong ina ay nasasabik ka nang makita. Alam mo naman, hindi niya ako titigilan hangga't hindi ka niya nayayapos.

Sana ngayon ay mapaunlakan mo na kami, nababatid kong makita kang muli.

Nagmamahal,
Alfonso Dela Vega'

Umiling ako at ngumiti. Hindi na naman siguro masama na pagbigyan ko ang nais nila ngayon.

Muli kong binunot ang piston at itinutok 'yon sa may mga boteng nakatayo. Maya maya pa ay siyang baril ko rito.

"Wala pa rin kupas heneral" nakangising saad ni heneral Lucio.

Umiling ako sa kaniya.

"Ginagawa ko pa rin naman ang mga bagay na 'to kahit na nasa unibersidad ako"

"Hindi ko mabatid kung bakit nag-aral ka pa ng medisina gayong isa ka ng heneral"

"Tawag ng tadhana heneral Lucio, magiging sangkap rin natin ang kakayahan ko balang araw"

Niligpit ko na ang mga baril saka ito binigay sa sundalong taga-tabi.

"Babalik ako mamayang gabi sa aming tahanan baka matagalan muli ang pagbalik ko rito"

"Tulad ng inaasahan. Mag-iingat ka kaibigan"

Ngumisi siya sa akin, pati ako ay ngumisi na rin at napailing iling.

May duda na kaagad kami kung bakit ako pinapauwi, marahil ay may ipapakilala na naman sila sa akin na dalagita.

"Maswerte ka sa iyong anak Alfonso. Maagang naging heneral at ngayon ay magiging isang doktor pa"

Natutuwang saad ng kaibagan ni itay na si heneral Alejandro.

"Aba'y oo naman, hinigitan niya pa nga ang mga nagawa ko noong ako ay nasa edad niya"

Pareho silang natawa kaya naman ako ay nakitawa na rin.

"Sayang nga lang at hindi na kami nagkaroon ng lalaki, wala tuloy kaming tagapagmana ng aming apilyido"

"Ayos lang 'yan amigo! Madadala pa rin naman 'yan ng mga dalagita mo... Ngunit hayaan mong idikit ang aming apilyido sa isa sa mga anak mo"

Seryosong tumingin si heneral Alejandro kay itay na para bang hindi siya sang-ayon roon. Napakamot ako sa aking ulo.

"Masyado pang bata ang mga anak ko para ipagkasundo Alfonso" umiiling na tanggi niya.

"Hahayaan naman natin silang magdesisyon kung kailan nila na gustong ikasal Alejandro. Ang 'yong panganay ay magdidisi-otso na hindi ba?"

"Oo Alfonso ngunit mahihirapan ka sa aking panganay, pihikan 'yon sa lalaki"

"Aba'y hindi naman pwede ang bunso mo. Katorse palang 'yon, masyadong malayo sa edad ni Antonio na bente-uno na"

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon