Chapter 3
"Buti nalang at nalinisan mo kaagad ito" seryosong saad ni lolo Antonio habang tinatahi ang braso ng sundalo.
Hindi ako umimik, tanging hikab lang ang naging sagot ko sa kaniya.
"Tapos na ito, sa kabilang silid naman tayo" tumayo ito sa pagkakaupo habang tinatanggal ang gloves sa kaniyang mga kamay.
Tumango ako sa kaniya at niligpit ang mga naging kalat.
"Pagod ka na ba?" Maususyong tanong niya.
Umiling ako kahit na ang totoo ay inaantok na ko.
"Mabuti naman dahil nagsisimula palang tayo" kinuha niya ang dala dala niyang bag pati na rin ang dalawang tupperware na dala dala ko.
Hmm. May pagkagentleman rin pala ang lolo. Ngumisi ako nang nakatalikod na siya at sumunod na rin sa kaniya.
Kumpara sa unang silid na pinasukan namin ay mas marami ang sundalong nakatambay rito, mas malawak rin kasi ang espasyo.
"Dito kami unang pumunta ni heneral Alejandro. Ibig sabihin, mas maraming sundalo, mas maraming sugatan" seryosong saad niya.
Totoo ang kaniyang sinabi, kita ko ang pag-aray ng mga nandoon dahil sa kanilang mga tinamo. Nanigas ako sa aking kinatatayuan.
"Kaya kita sinama dito ay para mapabilis ang pag-aksyon sa kanila. Unahin muna natin ang mga malala, ikaw na ang bahalang maglinis sa mga sugat nila. Markahan mo sila kung kailangan pa rin ng page-eksamina ko"
Tumango ako sa nais niyang sabihin.
"Saan ko sila mamarkahan?"
Binato niya sa akin ang pulang ribbon, kumunot ang aking noo dahil sumapol ito sa aking pisngi.
"Paumanhin binibini" hingi niya agad ng paumanhin.
Ngumuso ako sa kaniya. Akala niya siguro'y sasambutin ko ito kaya niya binato. Hmpp!
Tumalikod ako sa kaniya at pumunta sa kabilang side para magsimula na. Nilagay niya ang tupperware sa gilid ko bago siya magsimula.
Tulad ng instruction niya sa akin ay inuna ko ang may malalang mga sugat, nilinis ko 'yun pagkatapos ay nilagyan ng pulang ribbon para maeksamin niya. Nang matapos ako, ay sinunod ko naman ang mga may kaunting galos.
"Binibining Alejandria" matamlay na banggit sakin ng inaasikaso ko ngayon.
Ang mukha nito'y nakataklob kaya naman ay pinagmasdan ko pa ito.
"May masakit ba sa iyong mukha?" Nagaalalang tanong ko.
Umiling siya sa akin. Pagkatapos ay hinawi ang taklob sa kaniyang mukha. Natutop ko ang aking bibig nang makilala siya.
"Joseph?" Gulat kong usal.
Ngumiti ito sa akin at muling nagtaklob ng mukha.
"Anong ginagawa mo dito? Wait, isa ka ring sundalo?" Tuloy kong tanong sa kaniya.
Bahagyang kumunot ang noo niya pero kalaunan ay tumango siya sa akin.
Ay bakit ko nga ba 'yon natanong kung palaging nagbo-boluntaryo si lola Alejandria dito. Malamang ay kilala na nila ang isa't isa.
"Alam ba ng lo' err... Ng kapatid ko na nandito ka ngayon?"
Bulong ko dahil napagtanto kong nandito rin si lolo Antonio. Baka malaman niyang may kasintahan si lola Georgeanna. Patay na! Kailangan kong mag-ingat
"Hindi niya alam na narito ako ngayon" tumango ako
"Ayaw mong ipaalam sa kaniya ang sitwasyon mo ngayon?" Derektang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Fiksi SejarahAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...