Chapter 1
"Wait, wait lang!" Hinila ko ang kamay ko palayo sa kaniya.
Nalilito pa rin kung anong nangyayari ngayon. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Anong nangyayari sa akin?
"Anong wait, wait? Kailan ka pa natutong magsalita ng ingles? Halika na't magmadali dahil naghihintay na sila inay at itay sa labas"
"Sandali lang talaga. Five minutes, give me five minutes" nagmamakaawang saad ko.
"Alejandria!" Galit niyang sigaw, napaayos ako ng tayo dahil sa tonong 'yun. Hindi pa ko nasisigawan ng ganon!
Nangilabot ang mga balahibo ko sa katawan. Ang galit niyang mga mata ay muling napalitan ng kalmadong mukha.
"Tayo na. Hindi dapat pinaghihintay ang inay at itay sa baba" kalmado niyang saad.
Wala sa ulirat akong sumunod sa kaniya pababa. Pamilyar sa akin ang mga dinaanan namin, ang bahay na ito ay ang mansion kung saan nakatira si lola.
"Georgeanna, natagalan ata kayo sa pagbaba" saad ng matandang babae na pamilyar rin sa akin. Inisip ko pa kung saan ko siya nakita, kasama nito ang matandang lalaki na kumukha ni lola.
"Pasensiya na inay, may naiwan pa ho kasi ako sa silid" Georgeanna said, covering me.
Tikom bibig ko silang pinagmasdan, ibang iba sa kilos ko. Ngayon ko lang rin napansin na napalitan ang damit ko kanina ng napakahabang damit, katulad ng sa kanila. It's like a magic to me, yun nga lang ay nakakatakot.
Sumakay kami sa isang sasakyan, pinaandar ito ng matandang lalaki.
"Nakita mo ba ang liham na pinadala ni Antonio sa 'yo?" Tumikhim si Georgeanna at palihim na tumingin sa akin
Kumunot ang noo ko. "Opo 'tay, sinagot ko rin ito agad at pinadala na sa kaniya" magalang na sagot niya.
"Mabuti naman at nakaka-gaanan mo na rin siya ng loob" natutuwang saad ng matandang babae.
"Mabuti yan, para sa magiging relasyon natin sa mga Dela Vega"
"Tahimik ka ngayon Alejandria?" I snapped out a little bit when all of them looked at me.
"Eh.. ehe?" Nauutal kong saad.
Kunot noo silang tumingin sa akin. Tumingin rin ako kay lola? Kung siya nga ang lola Georgeanna ko, ngunit tanging pagdilat lang ng mga mata ang iginawad niya sa akin.
"Wala lang po ako sa mood magsalita" habol ko.
Mas lalong kumunot ang kanila noo dahil sa naging sagot ko "Ang ibig ko pong sabihin, wala po ko sa wisyo para magsalita"
Namawis ang aking noo, kinabahan ako doon. Tanging tango lang ang ibinigay nila sa akin kaya naman ay nakahinga ako ng maayos.
Mga ilang minuto pa ang binyahe namin para makarating sa simbahan. Sabay sabay kaming bumaba, ang mga tindera roon ay agad na nagsilapitan sa amin.
"Heneral Alejandro, sampaguita ho" alok niya sa amin.
Now that she mentioned that name, siya ba talaga si lolo Alejandro ang tatay ni lola Georgeanna at lola Alejandria? Ibang iba ang mukha niya sa litratong nakikita ko sa mansion. Napatingin rin ako sa kaniyang asawa, siya na siguro si lola Georgia?
"Alejandro, bilihin mo na lahat" utos sa kaniya ng asawa.
Bago pa ako muling makapag-react ay siniko na ko ni lola Georgeanna sa gilid ng akin tiyan.
"Alejandria, may masakit ba sayo? Kanina ka pa hindi nagsasalita" nagaalalang tanong niya.
Winaksi ko ang aking kamay "Wala ho 'la"
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Ficción históricaAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...