Chapter 16
[SPG- Mature Content]
Tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa labas.
Pumalakpak pa ako sa isang bata na pinakita ang maliliit niyang braso sa akin na para bang pinagmamalaki 'yon.
"Binibini" rinig kong tawag sa akin ni Eli. Dali dali akong tumayo para pinuntahan siya.
"Ayos ka lang ba?" Bungad ko sa nakaupong siya.
Mahina itong ngumiti sa akin at tumango.
"Nagugutom ka na ba?" Nag-aalala niyang tanong
Umiling ako "Hindi pa naman. Bakit, nagugutom ka na ba? Saglit lang at kukuhain ko kela aling Belen ang pagkain natin" nagmamadali kong saad.
Tatakbo na sana ulit ako palabas ng pigilan niya ako.
"Aling Belen? Nagpaluto ka sa kanila?" Kuryuso niyang tanong.
Napakamot ako sa aking ulo. Kanina lang ay namomroblema ako kung saan ako kukuha ng pagkain, parating na rin kasi ang gabi at hindi pa ako nakakapagluto.
Bukod sa hindi ko pa alam kung saan sila bumibili ng mga pagkain rito ay naalala ko ring wala akong perang dala.
Buti nalang at mababait ang mga tao rito, kaniya kaniya silang alok ng mga pagkain sa akin pero bukod tanging yung kay aling Belen lang ang tinanggap ko dahil siya lang naman ang mas kilala ko rito. Kinapalan ko pa ang mukha ko para makahiram sa kaniya ng extrang damit.
"Inalok nila ako Eli, hindi na rin naman ako tumanggi kasi wala akong pera pambili" nahihiya kong saad.
Mahina itong tumawa at tumango.
"Marunong kang makisama" he claimed.
Tumawa rin ako, feeling ko ay mabubuhay pa rin ako dito kahit wala si heneral.
Lumapit ako kay Eli para muling tingnan ang temperature niya, napapitlag pa 'to sa aking ginawa at muling natulala.
"Bumaba na ang lagnat mo, baka bukas ay wala na 'yan" saad ko.
Binaba ko ang aking kamay at nagpaalam sa kaniya.
"Kukunin ko na ang mga pagkain natin, hintayin mo ako dito!" Saad ko pagkatapos ay umalis na.
-
Kinakabahan kong binuga ang aking hininga habang nakatingin sa mapunong daanan.
Nakahanda na ang mga eksplanasyon ko kay heneral, ang tanging problema ko nalang ay kung paano yun sasabihin sa kaniya mamaya.
"Binibini, narito na tayo" seryosong saad ni Eli sa tabi ko.
Tumango tango ako sa kaniya kahit na nakikita ko ang daan. Namamawis na ang mga kamay ko, at ang mga pawis ay isa isa ng tumulo sa noo ko.
"Sa labas nalang Eli. Masiyadong mahigpit sa kampo, hindi pwedeng magpasok basta basta ng tiga labas"
"Naiintindihan ko binibini"
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng malaking dingding at nakita kong pinagmasdan niya 'to.
Agad kong kinalas ang seatbelt.
"Maraming salamat Eli sa paghatid... At salamat rin sa ginawa mo nung isang araw, kung wala ka ay baka napano na kami ni Benedict"
"Walang anuman binibini"
"Kung ganon ay mauuna na ako sa loob, salamat muli"
Ngumiti ito sa akin. Binuksan ko na ang pintuan at bumaba, bago pumasok sa loob ay hinintay ko muna siyang makaalis.
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...