Chapter 18
"Totoo ba heneral?" Gulat na saad ko sa aking narinig.
"Oo binibini kaya pasensiya na kung masyado kaming naghigpit sa mga kasamahan mo. Kung wala sana ang banta na 'yon ay hahayaan namin silang magpagala-gala rito"
Umiling ako, kung ganon ay tama lang ang ginawa niya.
"Inilipat niyo na rin ba?" Kuryusong tanong ni heneral Antonio.
"Hindi pa... Inaayos pa rin ang silid na paglilipatan sa kaniya, baka bukas ay tahimik namin siyang ililipat"
Tumango tango ang katabi ko pagkatapos ay maamong lumipat ang tingin sa akin.
"Halika na?" Ngisi niya sa akin na may laman.
Tumikhim ako at ang loko! Mas dinaig pa ata ako ngayon sa pag-iiba ng mood... Nawala siguro sa isipan niya na nasa harap lang namin ang kaibigan niya.
Mahinang humalakhak si heneral Lucio sa amin pagkatapos ay iniling ang kaniyang ulo.
"Sige na heneral Tonyo, magpahinga na kayo at ako rin ay matutulog na. Magandang gabi binibini" paalam niya sa amin bago tuluyang umalis.
"Wala na si heneral Lucio binibini. Tara na sa kubo natin?" Nakataas pa rin ang gilid ng kaniyang labi.
Sinigurado ko munang wala ng tao sa paligid namin bago ko siya sinamaan ng tingin.
"Tse! Sa kwarto mo ikaw matutulog, hindi ka tatabi sa akin" turan ko at padabog na umalis sa kaniyang harap.
Mabilis itong nakasunod sa akin kaya naman ay nagsasabay na kami ngayon sa paglalakad.
"Bakit hindi? Nobya na naman kita at ikakasal rin naman tayo?"
"Malayo pa ang araw ng kasal natin... Ni' wala pa nga'ng sagot ang mga pamilya natin"
"Hindi natin kailangan ng pahintulot nila binibini, sarili na nating desisyon 'yon. Ipapaalam lang natin sa kanila na ikakasal na tayo pagkabalik natin sa atin, tapos ay ayos na!"
Umirap ako sa kaniyang sinabi. Hindi ganon kadali ang lahat... Lalo na't alam ko kung saan tutungo ang lahat ng 'to.
Ang mangyayari sa kaniya at kay lola Georgeanna, at ang mangyayari sa akin sa kamay ni Jefferson.
"Binibini mahal kita..." Pukaw niya sa aking atensiyon.
Agad akong napalingon sa kaniya dahil sa mga salitang binitiwan niya. Ang pagkalito kong mukha ay napapalitan ng gulat.
"Mahal kita binibini' muli niyang saad.
Naestatwa akong muli sa aking pwesto, kinuha niya ang kamay ko at mariing hinalikan ang likod ng palad ko.
Why so suddenly?
"Una palang ay alam kong nasa iyo na ang mga mata ko. Pero sa pag-aakalang hindi na ulit kita makikita ay pumayag ako sa isang kasal na hindi sigurado. Nang makita kitang muli at napag-alaman ko na anak ka ni heneral Alejandro ay natuwa ako ngunit unti unti 'yong napawi nang maalala ko ang sinumpaang kasunduan para sa iyong kapatid"
"Hindi si Georgeanna ang sumusulat sa akin, hindi ba?" Muli akong nagulat sa sinabi niya.
Sigurado siya sa mga katagang 'yon pero paano niya nalaman?
"Ang sulat ng 'yong kapatid para sa 'yo." Sagot niya sa kalituhan ko.
Binigay niya ang isang papel na nakasobre sa akin galing sa loob ng kaniyang uniporme.
Nanginginig ko itong kinuha...
"Pasensiya na kung binasa ko ang sulat... Magka-iba kasi ang sulat-kamay niya rito kumpara sa pinapadala niya sa akin"
![](https://img.wattpad.com/cover/322722655-288-k438671.jpg)
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historická literaturaAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...