Chapter 2

11 1 0
                                    

Chapter 2

"Binibining Alejandria, nasa hapag-kainan na po sila heneral Alejandro, kayo nalang po ang hinihintay" napairap ako sa kawalan.

Ilang araw na kong nagmumukmok dito sa kwarto, lumalabas lang para kumain dahil 'di ko naman hahayaan ang sarili ko na magutom at mamatay sa oras na 'to.

Nagkataon pa na grounded ako. Ilang beses ko na rin inikot ang relo pero wala pa rin nangyayari.

Dahan dahan akong umupo katabi ni lola Georgeanna. Hindi ako nagsalita, kumuha ako ng kanin at nagsandok ng ulam na nakahain.

"Alejandria"

"Po?" Gulat na sagot ko kay lolo Alejandro

"Maghanda ka ngayong araw dahil sasama ka sa akin"

"Saan po pupunta?"

"Sa kapitolyo kung nasaan ang ating mga sundalo ngayon. Kailangan nila ng mga boluntaryo na mag-aasikaso sa mga kailangan nila"

"Ho? Pero hindi po ako katulong" sagot ko.

Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Alejandria, tumatanggi ka ba sa utos ko?" Hindi ako nakaimik.

"Alam ng lahat na hindi ka isang katulong dahil isa kang maharlika ngunit isa ka sa mga boluntaryo nila noon pa man. Hindi ka namin pinilit sa trabahong ito"

"Lo', I mean... Itay, pagod lang ho siguro ako ngayon. Pwede po bang ipagpaliban ko muna ang araw na 'to?"

"Sige na Alejandria, nabalitaan ko na sumabak sila sa misyon nitong mga nakaraang araw at kakauwi lang nila. Kakailanganin nila ang tulong mo" pange-enganyo sa akin lola Georgeanna.

Hindi ako umoo, ngunit dinala ako ng sarili ko papasok sa sasakyan ni lolo Alejandro.

Papalapit palang sa kapitolyo ay tanaw na agad ang nakaparaming sundalo na nakauniporme. Pinagmasdan ko sila, halata ang pagod sa kanilang mukha. Tama nga si lola Georgeanna, kailangan nila ng tulong.

Pagkalabas namin ay agad na nagsilapitan ang mga sundalo kay lolo.

"Heneral" bati nila sa kaniya habang nakasaludo pa sa kaniya.

Sumaludo rin si lolo sa kanila. Maya maya pa ay nagsi-alisan na rin sila nang tumuloy kami sa paglalakad.

"Heneral" bati sa kaniya ng isang babae "Binibini" pagkatapos ay sa akin.

"Sige na Alejandria, mamaya na ulit tayo magkita pagkatapos ng trabaho natin dito" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Saan ako tutulong? Bumaling ako sa babae nakayuko pa rin hanggang ngayon.

"Saan ang una natin?" Tanong ko sa kaniya dahil baka siya na ang sagot sa katanungan ko.

"Sa kusina ho binibini" saad niya.

Tumango ako at sumunod sa kaniya. Gusto kong malaman ang pangalan niya pero baka magtaka siya kung magtatanong ako, mukha pa naman dati pa kami magkakilala sa mundong 'to.

"Romana! Binibining Alejandria nandito na po pala kayo" masiglang saad ng matandang babae.

Napaurong ako nang makita kung gaano sila kadami sa kusina. Seriously, paano ko sila makikilalang lahat dito?

Tumango ako sa kanilang lahat. Binigay sa akin ni Romana, base sa narinig kong pangalan niya kanina ang sandok panghalo sa niluluto nila.

Tiningnan ko pa ito bago mahinuha ang nais niyang gawin ko.

Hindi ako marunong magluto! Namuo ang pawis sa aking noo.

"Uhm... Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, pwede bang ako nalang ang magbibigay sa mga sundalo ng pagkain?" Pagpapalusot ko.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon