Chapter 8
"Bitiwan mo ako ginoo" sabay hila ko sa aking kamay.
Tumigil ito at naiinis na humarap sa akin. My eyes shot up.
"Binibini, hindi ka nila pwedeng isama sa Tangway. Ang lugar na 'yon ay masyadong delikado para sa 'yo" pagpapaliwanag niya.
Tumango ako "Alam ko, pero hayaan mo akong kausapin ang aking ama tungkol dito"
Suminghap siya sa sinabi ko. Umiling iling ito at muling kinuha ang aking kamay.
"Ginoo" babala ko sa kaniya.
"Hindi maaari binibini! Alam kong kilala mo ang 'yong ama... Itatakas kita rito" napatulala ako sa kaniyang sinabi.
He seems like he's ready to do that anytime. Ang pagkatulala ko ay ginawa niyang aksyon para hilahin ulit ako palayo, palabas sa kapitolyo.
Nakikita na kami ng mga tao rito, at maging ang pagpupumiglas ko ay nasasaksihan na rin nila.
"Ano ba Ginoo, bitawan mo ko!" Singhal ko sa kaniya.
Pilit kong inaalis ang kamay ko sa hawak niya pero masyado atang bato 'yon dahil sa madiin niyang kapit sa aking kamay.
Hindi ito nakikinig sa akin, dere-deretso lang ang lakad nito. Tila'y nawalan na rin ng pake sa mga taong nakatingin sa kaniya.
"Binibining Alejandria!" Sigaw ni lolo Antonio na tumatakbong sumunod sa amin.
Tumingin ako sa kaniya "Tulong lolo!" Sigaw ko.
Dali dali itong lumapit sa amin at kinuha ang isang kamay ko pa, sunod niya namang hinawakan ang balikat ni Jefferson.
"Ginoo, nasasaktan ang binibini" pigil niya rito.
Gulat na napahinto si Jefferson sa kaniyang paglalakad. Mabilis kong hinila ang kamay ko sa kaniya at pumunta sa likod ni lolo Antonio.
Hinimas himas ko ang kamay kong namumula. Nakita 'yun ni Jefferson, lalapit na sana ito sa akin nang umatras ako patalikod habang si lolo Antonio naman ay pinigilan siya gamit ang kaniyang mga braso.
Muling sumiklab ang natatangis na mukha ni Jefferson.
"Hindi ka pwede rito binibini, dadalhin ka nila sa kapahamakan" Muli niyang saad.
Umiling iling ako.
"Sa tingin mo ba ay hahayaan ko ang binibini na masaktan?" Sagot na patanong sa kaniya ni lolo Antonio.
"Wag kang makialam dito ginoo" taas noong sambit ni Jefferson kay lolo Antonio.
Hinawi niya ang braso ni lolo para kunin sana ako ng hapitin ako ni lolo palapit sa kaniya, dahilan kung bakit hindi niya ako nakuha.
Tiim bagang na tumingin pabalik sa kaniya si Jefferson na hindi rin naman inayawan ni lolo, nagtitigan ang dalawa.
"Dapat lang na makialam ako dahil sa akin siya ipinagkatiwala ni heneral"
"Ginoo" kinuha ko ang kamay ni lolo Antonio at hinila na siya palayo. "Tara na ginoo, nakakahiya na sa mga taong narito" bulong ko sa kaniya.
Tila'y wala itong pake sa sinabi ko at nanatili pa roon. Isang beses ko pa ulit siyang tinawag nang lumambot ang braso nito at nagpahila na sa akin.
"Hindi ako sasama sa 'yo ginoo. Ayaw ko rin sa gusto nila pero ang pagtakbo ay hindi isang solusyon para iwasan ito" habol kong saad kay Jefferson bago kami tuluyang tumalikod sa kaniya.
"Binibini" rinig kong tawag niya sa akin, halata ang pagkadismaya niya sa desisyon ko.
Umiling ako. Humigpit ang hawak sa akin ni lolo Antonio, alam ko ang nais niyang sabihin. Na 'wag ng lumingon pa.

BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...