Chapter 17
"Binibini..."
Rinig kong saad ni Daniel habang kumakatok sa aming pintuan.
Inunat ko ang aking katawan nang makaupo na ako pagkatapos ay tumayo. Umaga palang pero parang pagod na pagod na ang katawan ko.
"Heneral! Magandang umaga po" rinig kong bati muli ni Daniel sa nagbukas sa kaniya.
"Bakit Daniel, may problema ba?" Namamaos na tanong ni heneral.
"May naghahanap po kay binibining Alejandria sa labas"
Tumaas ang kilay ko sa narinig. Sino naman ang maghahanap sa akin?
Dahan dahan akong lumabas sa aking kwarto at doon ay nakita ko silang dalawa na nag-uusap.
"Sino daw?" Kuryusong tanong niya
Dumeretso ako sa likod ni heneral at hinintay ang pagsagot niya.
"Hindi po namin kilala ngunit dalawa po silang lalaki at isang babae na may dala dalang bata po na may sakit!"
Kunot noo akong nag-isip, wala naman akong kilala sa labas maliban kay Eli at sa iba pa nitong kasamahan.
Maya maya pa ay nanlaki ang mga mata ko. Baka nga sila Eli yon! Mabilis akong tumakbo palabas para tingnan kung tama nga ako.
"Binibini!" Rinig kong habol sa akin ni heneral.
Hindi ko 'to pinansin bagkus ay mas binilisan ko pa.
"Pabukas po!" Magalang na sigaw ko sa mga gwardiya na nagbabantay sa mataas na gate.
Nakita ko ang pagtingin nila sa likod ko, siguro'y nanghihingi pa sila ng permiso kay heneral na kasunod ko lang rin. Saglit lang 'yon at hindi naging matagal, agad agad nilang binuksan ang gate sakto lang para makalabas ako ng tuluyan.
"Eli!" Sigaw ko nang makita ang problemadong mukha niya.
Mabilis silang lumapit sa akin dala dala ang namamayat na si Benedict, pinagmasdan ko 'to.
"Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko.
Lumipat ang tingin ko kay Aling Belen at Mang Ben na naluluhang tumingin sa akin.
Kinuha ni Aling Belen ang kamay ko saka nagsalita.
"Binibini... P-pasensiya ka na kung naistorbo ka namin rito. Kailangan lang talaga namin ng tulong mo" tumigil ito at tiningnan ang kaniyang anak "Si Benedict kasi nong isang araw pa nagsusuka at nagrereklamo sa sakit ng tiyan niya... Hindi namin alam ang gagawin kaya pumunta na kami rito"
Nagdalawang isip ako, gusto ko silang tulungan pero wala ako sa pwesto para magdesisyon. Hindi ko alam kung makakapasok ba sila sa loob dahil naghigpit na ang seguridad sa kampo at lubos na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga sibil...
Lumingon ako sa aking likod para hanapin si heneral. Seryoso itong nakatingin sa akin na para bang tinatantiya kung ano ang nangyayari.
"Heneral, maaari ba natin silang ipunta sa bahay-pagamutan?" Tanong ko. "Kung hindi sila pwede ay baka maaari nating iderekta sa ospital?" Dugtong ko.
Umiling ito sa akin na para bang tutol sa lahat ng sinabi ko. Pero kahit na ganon ay lumapit pa rin ito sa bata para matingnan.
"Ilang araw na pong nilalagnat?" Si heneral habang nakatingin kay aling Belen.
"Magta-tatlong araw na po..."
"Heneral! Nadaplisan ang bata banda sa tiyan noong nagkagulo sa bayan, hindi kaya ay dahil roon? Pero bago ako umalis sa kanila ay sinigurado kong maayos siya" bigay ko ng impormasyon sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...