Chapter 6

10 2 0
                                    

Chapter 6

"Kumusta na ang 'yong pakiramdam?" Lolo Antonio asked.

Bahagya akong umupo at sumandal sa dingding.

"Maayos na, hindi tulad kanina" pag-amin ko.

Ngumisi ito at binigay sa akin ang inumin sa baso, mainit ito pero sakto lang para hindi ako mapaso.

"Kung sinabi mo sakin kanina ay sana pinagpahinga na muna kita. Buti na nga lang at sinundan kita pagkatapos ko sa silid"

Muntikan ko ulit maalala ang nangyari kanina, pinilig ko ang aking ulo para iwaksi yun sa aking isipan.

"Kaya mo pa bang tumayo para pumunta sa aking sasakyan?"

Tumaas ang kilay ko, sa kaniyang sasakyan? Tila'y napansin niya ang pagtataka ko kaya naman ay nagsalita siyang muli.

"Nauna na kaninang tanghali si heneral sa inyong tahanan,  may aasikasuhin raw siya. Inimbitahan niya rin ako ngayong gabi kaya ako na ang maghahatid sa 'yo" muli, ay tumaas ang kilay ko.

Ganon nalang ang tiwala sa kaniya ni lolo Alejandro... Sa huli ay hindi na ako umalma pa, malaking tulong na rin ang paghahatid niya sa akin para hindi ko na maabala pa ang matanda na magpasundo rito.

Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami ng sasakyan.

"Alam mo ba ang papunta sa amin?"

"Oo, kabisado ko pa naman" napatingin ako sa kaniyang sagot.

"Nakarating ka na sa amin?"

Tumango siya "Oo, ilang beses na."

"Ibig bang sabihin non ay nagkita na rin tayo?" Muli kong tanong.

"Oo, binibini. Hindi mo ba naalala ang una nating pagkikita?" Umiling ako.

Siguro kung si lola Alejandria ay oo, pero ako ang narito ngayon.

"Una tayong nagkita sa may likod ng simbahan, sa may mapunong lugar. Yung araw na rin'g yun ang huli nating pagkikita dahil inilipat na ako ng ibang paaralan para magsanay"

"Sa may likod ng simbahan, kung saan tayo ulit nagkita?"

Tumango siya. Umawang ang labi ko dahil sa mangha.

"Hindi pa ba kayo nagkita ni lola Alejan estee... Hindi pa ba tayo nagkikita noong pumupunta ka sa amin?" Kuryuso ko ring tanong.

"Paano tayo magkikita binibini kung wala ka sa inyo?"  Kumunot ang noo ko

That means they never saw each other?  Pero bakit? Naputol ang pag-uusap namin nang makarating na kami sa bahay.

Naroon sa harap ang dalawang matanda at si lola Georgeanna na nakabihis pa. Ngumuso ako at tiningnan itong mabuti. May make-up pa ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung sinadiya niya ba 'yun para sa kaniyang sarili o pinilit siya ng kaniyang mga magulang.

"Ginoo, nagagalak akong makita kang muli. Napakalaki mo na" salubong sa kaniya ni lola Georgia.

Umatras ako ng kaunti para bigyan sila ng momentum. Napatingin naman ako sa aking gilid nang kalabitin ako ni lola Georgeanna.

"Masyado bang mapula?" Hindi komportable niyang tanong.

Tama ako, napilitan lang siya dahil kay lola. Itinaas ko ang aking kamay at dinala yun sa kaniyang pisngi, babawasan ko lang ang kaniyang blush-on

"Binibining Georgeanna" nakangiting saad ni lolo Antonio kay lola Georgeanna.

Napangiti ako, so this is what it's looks like in real life. Kahit na kaunti nalang ang blush-on na naroon ay muling pumula si lola Georgeanna, marahil pinang-initan siya ng kaniyang mukha.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon