Chapter 14

13 1 0
                                    

Chapter 14

Pilit kong ginising ang aking sarili mula sa masamang bangungot na 'yon.

Ihip ng hangin ang bumulaga sa akin, napabangon ako. Pinunasan ko ang butil ng aking pawis dulot ng mga masasamang ala-ala ni lola Alejandria.

"Binibini ayos ka lang ba?" Nag-aalalang saad ni heneral habang lumalapit sa akin.

Tulala akong napatingin sa kaniya. Halo-halo ang aking nararamdaman at sunod-sunod ang mga katanungan sa aking isip.

Kung ayos lang ba siya? Kung sino ang lalaki kanina bukod kay Joseph? Kung ala-ala nga ba 'yon o isang panaginip lang.

Pinunasan ni heneral ang pisngi ko, 'di ko alam na may luhang pumatak na pala roon.

"N-nasaktan ka ba?" Nauutal kong tanong.

Umiling sa akin si heneral "Hindi binibini."

Tumango ako, pero sa pagtango kong 'yon ay tumuloy ang buhos ng luha ko dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

"I'm sorry..." Hingi ko ng paumanhin sa kaniya.

Niyakap niya ako "Shh... Tahan binibini, naiintindihan ko kung bakit mo 'yon ginawa" kalmado niyang saad habang marahan na pinapalo ang likod ko.

"I want to go home, to my real home" sumbong ko sa kaniya.

Ayaw ko na rito, gusto ko nang makita sila mama at papa, ang mga kaibigan ko.

Natatakot ako sa maaaring mangyari, natatakot ako na baka akalain kong ako nga si lola Alejandria. Natatakot akong ma-attache sa mga taong narito at kapag bumalik na ako sa totoo kong mundo ay baka... Baka mahirapan akong bitawan sila.

"Hindi ba pwedeng dito ka muna, sa tabi ko?" Bulong ni heneral.

At higit sa lahat ay natatakot akong mahalin siya katulad ng hinala ko.

Hindi ako nakaimik, lumayo ako mula sa pagkakayakap niya.

"Oo nga pala, hindi pa ako pwedeng bumalik sa kadahilanang hindi ko alam" mapait kong sagot.

"Binibini..."

Umiling ako, tumayo ako sa aking kama para lumabas. Ang sinag ng araw ay unti-unti nang dumadating.

"Saan ka pupunta?" Mahigpit akong hinawakan ni heneral sa aking kamay para pigilan sa paglabas.

Kumunot ang aking noo, ginalaw ko ang aking kamay na hawak-hawak niya. Hindi niya 'yon binitiwan kaya naman ay ako na ang nagtanggal 'non sa kaniya.

"Sa batis. Magpapa-araw ako" malumanay na saad ko pagkatapos ay naglakad ng muli.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kaya naman ay napabuntong hininga ako.

Feeling ko ay natatakot siya na baka tumakas na naman ako rito sa kampo. Pagod akong ngumiti, paano ko magagawa 'yon kung ang lugar na 'to ay puno ng bantay ko?

Tahimik niya akong sinundan kaya naman ay hindi na ako nag-aksaya pa ng lakas para itaboy siya. As long as he will give me a space today, ay hahayaan ko siya.

Nanuot sa akin ang simoy ng hangin habang ang agos ng tubig ay naging musika sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata para damhin ang mga 'to.

Pagkalaon ay minulat ko ang aking mga mata at napatitig sa damuhan.

Hinawakan ko ang aking tiyan at dinama ito. Magkakalaman nga ba talaga ito katulad ng nasa bangungot ko kanina?

Muling tumubig ang aking mga mata, sa tingin ko ay dadamdamin ko ng lubusan ang bangungot na 'yon and it will take time for me to forget about it.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon