Chapter 22
"Alejandro, pasensiya na kung ngayon lang kami nakapunta."
Hingi ng paumanhin ni Don Alfonso sa aking ama.
Tumango tango si itay saka tumingin sa likuran nila kung nasaan si heneral Antonio. Seryoso niyang kinakausap ang kaniyang ina pagkatapos ay tumingin sa akin saka ngumiti.
"Magandang umaga po heneral Alejandro, doña Georgia" bati niya sa mga magulang ko.
"Magandang umaga rin hijo, halika't maupo kayo" aya ni inay sa kanila.
Lalapit na sana sa akin si heneral nang tumikhim si itay sa tabi namin. Mahina akong tumawa habang siya naman ay napakamot sa kaniyang ulo.
Si itay na ang humalili sa akin papunta sa upuan. Ramdam ko ang titig na iginawad sa akin ng kaniyang mga magulang kaya naman ay bahagya akong napayuko.
"Ngayon ko lang nakita ang inyong bunso at tunay nga ang sinabi sa akin ni Antonio, napakaganda ng inyong anak" mahinhin na saad ni Doña Mara.
Pinamulahan ako ng aking pisngi sa kaniyang sinabi.
"Sa-salamat po" saad ko kahit na kinakabahan.
"Kamukha mo Alejandro, kitang kita ang pagiging Apostol sa kaniyang mukha" si Don Alfonso naman.
Ngumisi ang itay na para bang proud na proud sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Ay siya nga pala... May dala kaming alak galing amerika... Antonio pakibigay" inilabas ni heneral ang berdeng bote at ibinigay ito sa aming kasambahay.
Pagkatapos non ay naging tahimik ang buong sala namin. Ilang minuto pa ang lumipas bago muling nagsalita si Don Alfonso.
"Alejandro, Georgia... Kaya kami narito ay dahil sa hiling ng aming anak. Sinabi niya na ang lahat sa amin at nais sana namin ipaalam ang inyong anak na si Alejandria para pakasalan ang nag-iisa naming anak na si Antonio" Panimula ni Don Alfonso
"Noong una ay nagulat ako, kailanman ay hindi ko tinanong ang kaniyang mga naging desiyon, maliban ngayon..." dugtong niya.
"Mahal ko po si Alejandria..." singit ni heneral habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos ay kay itay na seryoso na ang mukha ngayon. Hinahaplos ni inay ang kaniyang balikat para pakalmahin sa anumang reaksyon na ibibigay niya.
"Sa una palang ay mali na ang ginawa natin Alfonso. Si Georgeanna ang nakatakdang ipakasal sa 'yong anak at alam ng lahat 'yon. Kung magbabago ay ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa pamilya ko?... Pati ang mga anak ko ay damay rin" umiiling na saad ni itay.
"Kaya kami narito ay para itama ang mga 'yon. Nakausap na rin namin si Georgeanna mula sa amerika para humingi ng tawad at bukal sa puso niya namang tinanggap 'yon... Ngayon sana ay hayaan natin ang mga bata na magdesisyon para sa kanilang sarili" si Doña Mara.
"Inaamin ko rin ang pagkakamali ko..." Amin ni Don Alfonso.
"Wala na tayong magagawa doon Alfonso, katulad ng sinabi ni Mara ay hahayaan namin ang mga bata na magdesisyon lalo na't may nangyari na sa kanila. Hindi kami papayag na hindi niya papanagutan ang anak ko" si inay.
"Papakasalan ko po si Alejandria" singit muli ni heneral sa usapan.
"Anong masasabi mo doon Alejandria?" Seryosong tanong ni itay sa akin.
"Uhmm..." Kinakabahang sambit ko "Ma-mahal ko po si Antonio at nais ko rin po sana siya maging kabiyak" nauutal na saad ko.
Kita ko ang ngiti sa mga magulang ni heneral pati na rin siya ay malaki na rin ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Исторические романыAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...