Chapter 23
"Pasensiya na po heneral Alejandro kung kami ay nagayak dito. May nais lang po kaming itanong kay binibining Alejandria" turan ni heneral Lucio sa aking ama.
Binaba ni itay ang kaniyang hinihigop na kape saka tumango tango sa kaniyang kaharap.
"Tungkol ba ito sa Tangway?" Si heneral Antonio
"Oo heneral. Nais sana naming itanong kay binibining Alejandria na bukod kay Eli at Lupe, sino sino pa ang nakilala niya roon?"
Kinagat ko ang aking labi sa gusto niyang itanong. Nangako ako kay Susette at kay ka' Berting, kung ikakanta ko ang mga pangalan nila ay mapapahamak sila.
"Wa-wala na heneral" sagot ko kay heneral Lucio "Si... Si Eli lang at Lupe ang lagi kong nakikita at nakakausap roon, wala ng iba" dugtong ko.
"Hindi na kataka-taka na naging maingat sila sa parteng 'yon" si itay.
Tumango ang katabi ko.
"Hindi nila hahayaang makita ng taga-labas ang lider nila dahil magiging mapanganib para sa kanila" seryosong saad ni heneral Antonio
"Binibini, hindi mo ba talaga nakita ang lider nila? O miski narinig lang ang pangalan niya?" Muling tanong sa akin ni heneral Lucio.
Kinagat ko ang labi ko. Nang walang makuhang sagot sa akin ay malalim siyang huminga.
"Kung mararapatin mo binibini, nais sana naming malaman kung paano ka nakatakas sa kanila?" Si kapitan Gomez na ngayon lang nagsalita sa tabi ni heneral Lucio.
Lahat sila ay tumingin sa akin. Napalunok ako...
"No-noong wala na si Eli sa kwartong pinagtutuluyan ko. Naghanap ako ng paraan para makatakas..."
"Hindi ka ba nila nahuli?" Dugtong na tanong niya.
Tumango ako sa kaniya.
"Sinigurado kong gabi na at walang masyadong nagbabantay sa labas"
"Buti na lamang at nakalabas ka sa bundok na 'yon. Masyado itong malawak nang hagilapin namin sila roon..." si heneral Lucio.
"Ano na ba ang nangyayari sa lugar niyo Lucio?" Seryosong tanong ni itay
"Mas lalong lumala heneral, lalo na't pinapakialaman pa nila tinyente Joseph ang imbestigasyon namin sa mga rebelde" mariing sagot niya.
"Kung hindi agad sila mahahanap ay baka mas lalong lumala ang mga kaguluhan roon" dugtong niya.
Napayuko ako. Gusto ko man silang tulungan ay wala rin ako sa pwesto para magdesisyon. Ang mga rebeldeng 'yon ay may kaniya kaniyang istorya, rason kung bakit sila napadpad doon.
"Mas mataas ka pa rin sa kaniya Lucio, 'wag mong hahayaan na guluhin niya ang plano mo. Kapag Martinez nga naman" umiiling na saad niya
"Opo heneral..."
"Kung kailangan mo ng tulong namin ay magsabi ka lang. Magpapadala kami ng mga tao"
"Salamat po heneral..." Tumigil si heneral Lucio at tiningnan akong maigi.
May gusto itong sabihin sakin ngunit nagdadalawang isip pa siya.
"Ano 'yon heneral?" Tanong ko.
Muli itong bumuntong hininga.
"Napansin mo ba ang kinikilos ni Eli sa 'yo?" Kuryusong tanong niya.
Kumunot ang noo dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.
"May pagtingin ba si Eli sa 'yo" paglilinaw niya.
Nagulat ako roon at hindi nakaimik ng ilang segundo.

BINABASA MO ANG
Letter On Time
Ficción históricaAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...