Chapter 10
"Inalis niyo na ba ang bala?" Lolo continuously asked.
"Oo heneral" walang pag-aalinlangan na sagot ni kapitan Gomez.
Kinagat ko ang aking labi. Alam kong sanay sila sa gawaing ito lalo pa't mga sundalo sila pero hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit ang naging proseso non.
"Manang, pwede po ba kami makahingi ng maligamgam na tubig at malinis pong tela?" Mahinang saad ko.
Tumango sa akin ang matanda at mabilis na umalis para kuhain ang hinihingi ko.
Mabilis akong kumuha ng alcohol para linisan ang aking kamay. Kumuha na rin ako ng gloves para isuot 'yon sa akin at kay lolo.
"Lilinisan ko muna heneral" paalam ko bago niya hawakan ang sugat.
Dali dali muling akong kumuha ng alcohol at bulak para malinisan ang gilid ng sugat niya. Si lolo naman ang naglinis sa mismong sugat nang matapos ako sa aking ginagawa.
May kinalkal siya sa kaniyang bag, nang mahanap ay binudburan niya kaagad ang parte kung saan may sugat.
Sinuri ko 'yun, isang pulbos na gamot ang ginamit niya.
"Hawakan mo binibini" utos niya sa akin habang inilalapat na ang pangtakip na tela sa sugat.
"Paabot ako ng tasa na may tubig binibini" muli niyang utos habang tinuturo ang likod ko.
Tumingin ako roon at nakita ang pitsel na may lamang tubig at ang nag-iisang tasa. Inalis ko muna ang gloves ko bago salukan 'yon.
Sakto naman ang dating ni Manang nang maibigay ko ang baso kay heneral.
"Salamat po" pagpapasalamat ko nang makuha ang basin.
Nakita ko ang paglagay ni lolo ng tableta sa inumin ng sundalo, pinaikot niya pa 'to para haluin bago kumuha ng kutsara at dahan dahang isinubo sa pasyente.
Habang ginagawa niya 'yun ay nagsimula na rin akong punasan ang braso ng sundalo para makatulong sa pag-ginhawa ng kaniyang pakiramdam.
Malalim akong huminga nang mailagay ko na ang bimpo sa noo niya.
"Kailangan pa niyang obserbahan..." seryosong saad ni lolo habang pinapanood ako sa pagkumot ng pasyente.
"Ano ba ang nangyari kay Felipe?" Kuryusong tanong ni heneral Lucio na kanina pa tahimik sa isang tabi.
"Na-impeksyon ang kaniyang sugat kaya ito namamaga, naging sanhi rin ito ng mataas na lagnat niya" paliwanag ni lolo
"Ano ang dapat nating gawin?"
"Kaunting pahinga lang at patuloy na pag-inom ng gamot ang kailangan niya para manumbalik ang dati niyang sigla... Binibining Alejandria" marahang tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya para tanungin kung bakit. Hindi ito umimik, bagkus tumayo ito sa kaniyang pwesto at dinala ang mga gamit namin. Hudyat 'yon na kailangan naming kumilos para tingnan ang iba pang sundalo na may mga sugat.
Naghiwalay kami para mas mabilis. Pumunta ako sa kaliwang banda habang siya naman ay sinusuri na ang binatilyong may nakapulupot na tela sa hita.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa isang matanda na may benda sa kaniyang ulo.
Marahan itong tumango sa akin. Hindi ako kuntento roon, para makasigurado ay sinilip ko ang sugat niya at tiningnan kung ayos nga lang ba talaga ito at nang makitang okay ay nilinisan ko nalang 'yon.
"Lagi po nating lilinisan ang 'yong sugat para matiyak ang paghilom nito." Mahina kong saad.
Ngumiti sa akin ang matanda "Maraming salamat hija"

BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...