Chapter 4
Pinagsiklop ko ang aking dalawang kamay at masuyong tiningnan ang ginagawa ng aking nasa harap.
Nilinis niya ang mga dugo na nakakalat sa balat ng ginang at may nilagay itong likido pagkatapos ay siniklop ng tela.
Nakita ko ang kirot sa kaniyang mga mata kaya naman ay napa-iling ako.
"Salamat ginoo" saad ng ginang nang matapos na.
"Walang anuman. Lagi mo lang linisan ang sugat at palitan ng tela, mababaw lang ang sugat ngunit kung masakit pa rin ay maaari mong dalhin muli sa akin" paalala niya.
Hindi na sumagot ang pasyente sa kaniya at tuluyan ng umalis. Ako naman ngayon ang tumayo.
"Ang sugat na 'yon ay malalim at hindi mababaw, bakit hindi mo tinahi?" Kuryuso kong tanong.
Inayos niya ang kaniyang salamin at mariing tumingin sa akin.
"Malinis ang kaniyang balat, ang sugat lang ang naging hadlang sa kagandahan non. Kung tatahiin ko ay mag-iiwan ito ng marka, isang permanenteng peklat. Sa tingin mo ba ay magugustuhan niya iyon?" Seryosong saad niya.
"Ngunit malalim 'yun" pagpilit ko.
"Kinu-kuwestiyon mo ba ang abilidad ko, Alejandria?" Seryosong saad niya.
Gulat akong napatingin sa kaniya. "Hindi sa ganon..."
"Ang sugat ay hindi ganon kalalim para tahiin" putol niya sa sasabihin ko. Talagang nanindigan siya sa desisyon'g yon.
Mariin akong pumikit, hindi na ako nakipagtalo pa dahil talo pa rin naman ako sa huli.
Maya maya pa ay tumayo si ginoong Jefferson at lumapit sa akin.
"Paumanhin binibini" malumanay na saad niya.
"Bukas na ang alis ko papuntang sentro, matatagalan ang pagbalik ko rito. Ganunpaman, maaari ka pa rin pumunta rito sa aking silid para mag-sanay" masuyo niyang saad.
Tumango ako, naiintindihan ko.
Kahit na ang pagbukas niya ng pintuan ay alam ko na agad ang kaniyang ibig sabihin.
"Pasensiya na binibini, baka hanapin ka na ng iyong ama. Hindi ko gustong magtungo pa siya rito para hanapin ka, masyado ng mainit ang dugo ng 'yong ama sa aming pamilya at hindi ko na nais na dagdagan pa iyon."
"Alam ko ginoo. Paumanhin kung nadadawit kayong magkapatid sa galit ng aking ama. Salamat rin dahil pinaunlakan mo ang hiling ko na matuto sa medisina"
Hindi ito nagsalita, ngumiti ako at pumihit na palabas. Marami pa akong nakasalubong na kakilala sa kapitolyo, kaya imbes na dumeretso ay nakipag-usap pa ako sa mga ito.
"Alejandria" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses.
"Itay" pabulong na sambit ko nang makaharap na sa kaniya.
"Narito ka sa kapitolyo?" Tanong niya.
Tumango ako "May inasikaso lang ho ako, pero pauwi na rin po"
"Sumabay ka na sa akin, pupunta akong bayan" muli akong tumango.
Sumunod ako sa kaniya. Alam kong nagtataka siya kung anong ginawa ko dito sa loob pero nanatili itong tahimik hanggang sa makarating kami sa aming tahanan.
"Siya nga pala, ibigay mo ito sa iyong ina. Pinabibigay kamo ni Alfonso galing amerika" ibinigay niya sa akin ang isang malaking bote na naglalaman ng alak.
"At sa iyong manang, galing kay Antonio" kumunot ang noo ko sa isang sulat. Maayos ang pagkatupi noon.
Kinuha ko ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...