Chapter 13
"Alejandria!" Nag-aalalang saad ni heneral habang bumababa sa sasakyan.
Yumuko ako at itinuloy ang aking pag-iyak. Ayokong makarinig ng kahit na anong putok, takot ako roon.
Hindi ko rin alam kung bakit, kapag bagong taon ay kailangan ko pang magsuot ng earpiece para hindi ko marinig ang mga fireworks, ganon rin kapag kumikidlat. Sabi ng doctor ko ay isa itong phobia.
"Ayos ka lang ba binibini?" Muli niyang tanong sa akin nang mabuksan na ang pintuan sa gilid ko.
Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay at marahan itong hinaplos.
"Ako na muna ang magmamaneho, hindi tayo pwedeng magtagal rito" saad niya.
Sumang-ayon ako sa kaniya, feeling ko rin ay hindi ko na kayang mag-drive pa.
Inalalayan niya ako palabas para umikot ulit sa front seat. Nang makitang ayos na ako sa aking pwesto ay bumalik siya sa driver seat.
Pasalamat nalang ako ng hindi na ulit ako nakarinig ng putok. Mabilis kaming nakaalis roon hanggang sa makarating kaming kampo.
"Heneral, binibini!" Bungad sa amin nila Daniel, Fernando at Rocco na naguusap sa labas.
Matiim ko silang tiningnan.
"Fernando, kailangan ko ng isang daang sundalo ngayong gabi. Tipunin sila ngayon rin" seryosong saad sa kanila ni heneral.
"O-opo" mabilis na umalis si Fernando sa harap namin para sundin siya.
Muling nanghina ang katawan ko kaya naman ay muntikan na akong bumagsak, kung hindi lang nakaalalay si heneral sa akin ay tiyak na sa sahig niya ako maaabutan.
"Binibini, ayos ka lang ba?" Rocco said, madalian silang lumapit sa akin.
"Rocco, Daniel. Maaari bang iuwi at bantayan niyo muna siya sa aming kubo?" Pakiusap niya sa dalawa.
Hindi ako umimik, ang kaninang putok ng baril ay muling nanunumbalik sa isip ko.
"Oo naman po heneral" Daniel said.
"Binibini, magpahinga ka muna. Aalis lang ako saglit para matipon ang mga sundalo natin, babalik rin ako" paalam niya.
Tumango ako dahil 'yon ang akala ko. Ibinigay niya ako kay Daniel para maalalayan ng maayos habang si Rocco naman ay muli niyang tinawag.
"Binibini, inumin mo muna 'to para kumalma ka" saad ni Rocco at ibinigay sa akin ang basong may laman na dahon.
Walang pag-aalinlangan ko itong ininom, I trust him enough just like how I trust everyone here.
"Mabuti pa binibini na magpahinga ka na sa 'yong silid. Narito lang kami sa labas kung may kailangan ka" si Daniel.
Tumango lang ako sa kanila pagkatapos ay tumayo na rin. I'm exhausted, ngayon ko nalang ulit ito naramdaman.
Pagkapasok sa kwarto ay mabilis akong humilata. Tulala akong nakatingin sa bubong ng kubo, ang talukap ng mata ko ay unti unti na ring bumabagsak pero pilit ko 'yong pinipigilan. Kailangan kong hintayin si heneral...
"Daniel! Rocco! Anong ginagawa niyo rito? Narito na ba ang binibini?" Rinig kong boses ni Hasmin sa labas.
"Oo Hasmin. Nasa loob na ang binibini, nagpapahinga"
"Ano ba ang nangyayari? Sumugod rito si Fernando para maghanap ng mga sundalo tapos ay bigla nalang nagpaalam sa akin na sasama daw siya kay heneral Tonyo papuntang baryo"
Agad akong napaupo sa narinig ko.
"May putukan daw na naganap sa baryo. Naiwan si heneral Lucio at si kapitan Gomez kasama ang iba pang sundalo, pero para makasigurado ay kailangan pa rin na magtawag dito para sa kanilang seguridad"

BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...