Chapter 11
"Magandang umaga ginoong Rocco" bati ko sa kaniya nang makita siyang nililinisan ang sugat ng kaniyang kasamahan.
Ngumiti ito pabalik sa akin kaya naman ay muling lumabas ang dimple niya, bukod tanging 'yon ang umaagaw ng atensiyon ko sa kaniyang mukha.
"Magandang umaga rin binibini" bati niya pabalik.
Pumunta ako kay mang Felipe para matingnan ang naghihilom na sugat niya galing sa tama ng baril.
"Kumusta ho kayo? Nanakit pa rin po ba?" Tanong ko sa kaniya.
Umiling ito. "Hindi na binibini, maraming salamat talaga sa tulong mo" pagpapasalamat niya.
Ngumiti ako, kumuha ako ng bagong tela para palitan ang pangtaklob sa sugat niya. Nang matapos ay dumeretso na ako kay ginoong David para matingnan rin ang kaniyang ulo.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang may mangyari sa bayan. Isang linggo na rin namin siyang inoobserbahan, ang sugat na tinahi namin sa kaniyang ulo ay natutuyo na rin. Buti na lamang at walang report na masakit sa kaniya kaya kahit papaano ay napanatag ang kalooban namin.
"Nang Ligaya, magandang araw po" bati ko kay manang habang pinupunasan niya ang braso ni ginoong David.
Ngumiti ito sa akin at tumabi, binigyaang daan ako para mapalitan rin ang tela sa kaniyang ulo.
"Maganda araw rin binibini, kumain ka na ba?" Tanong niya.
Nakangiti akong tumango "Opo 'Nang, tapos na po"
"Buti naman, 'wag kang magpapalipas ng gutom dahil mahirap kalaban ang kalusugan" paalala niya sakin.
Muli akong ngumiti "O' siya, tapos na ako rito. Ikaw na ang bahala sa kanila hija" saad niya bago siya tuluyang umalis.
"Pupunta ba kayo ni heneral Tonyo sa baryo binibini?" Tanong ni Rocco sa akin.
Napalingon ako sa kaniya at umiling.
"Anong meron?" Nagtataka kong tanong
"Hindi ba niya nabanggit sa iyo?" Gulat na tanong niya.
Muli akong umiling. Inayos ko muna ang telang pinangtakip sa sugat ni David bago muling nagpokus kay Rocco.
"May handaan sa baryo, pumunta si Don Joaquin dito para anyayahan tayong lahat. Ngunit sa dami natin ay paniguradong iilan lang ang pupunta" paliwanag niya.
"Wala pang sinasabi si heneral, pero siguro'y hindi na rin ako pupunta" balewalang saad ko.
Niligpit ko na ang mga gamit at inayos 'yon sa lagayan.
Sa isang linggo kong pananatili dito ay marami akong nalaman, natutunan, at maraming nakilala. Kadalasan ang magkapatid ang lagi kong nakakasama dahil si heneral Antonio ay naging busy na rin sa pagtulong kela heneral Lucio, ngunit kahit na ganon ay may mga mata pa rin siyang inutusan para magbantay sa akin.
Kinuha ko ang basket ni heneral Antonio at isinama ang kaniyang mga labahan sa akin. Kahapon ay nag-usap kami nila Hasmin at Leonor na pupunta kami ng batis para labahan ang mga marumi naming damit. Mabuti na rin 'yon para hindi natatambak ang mga damit namin at may masuot ulit kami.
"Binibini, ako na po" presenta ni Daniel.
Iniwas ko ang dala dalang basket sa kaniya at ngumiti. "Ako na" saad ko.
Napakamot si Daniel sa kaniyang ulo at hinayaan na ako. Siya ang kinuha ni heneral Antonio na magbabantay sa akin, pagdating sa gabi ay mag-uusap silang dalawa para alamin ang nangyari sa akin buong araw.
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...