Chapter 24
Napatingin ako sa baba nang makalabas kami ni inay sa aking kwarto.
Halos puno ang sala namin sa dami ng panauhin. Nauna na sa akin si inay sa baba kaya naman ay bahagya kong itinaas ang damit ko para makababa na rin ng tuluyan.
Muli akong tumingin sa baba at halos lahat sila ay nakaangat na ng tingin sa amin. Nag-init ang aking mukha kaya naman ay umiwas ako sa tingin nila at pinokus ang aking sarili sa pagbaba.
Sa dulo ng hagdanan ay nakita ko kaagad roon si heneral na naghihintay at nakangiti. Iginawad niya sa akin ang kanang kamay niya na agad ko rin namang kinuha.
"Ang ganda mo" bulong niya sa akin.
"Bolero" mahinang bulong ko rin sa kaniya na siya namang ikinahalakhak niya.
Sa gilid namin ay naroon na ang kaniyang ina at itay na naghihintay rin sa amin. Mabilis akong lumapit sa kanila saka nagmano.
"Magandang gabi po don Alfonso, doña Mara" bati ko sa kanila.
Pareho silang ngumiti sa akin habang si doña Mara naman ay marahang hinaplos ang aking pisngi.
"Napakaganda mo hija" sambit niya.
"Salamat po" nahihiya kong saad.
"Handa ka na ba?" Si don Alfonso.
Tumango ako sa kanila. Inalalayan ako ni heneral Antonio papunta sa harap ng maraming tao para kuhain ang atensiyon nilang lahat.
"Magandang gabi mga amigo, amiga!" Bati sa kanila ni itay na nakasunod rin pala sa amin.
"Maraming salamat at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon. Ngayong gabi ay may mahalaga kaming anunsiyo na sasabihin sa inyo...-"
"Ayyy!" Kaniya kaniyang sigaw ng mga taong narito nang makarinig kami ng sunod sunod na mga putok ng baril.
Kinakabahan akong napakapit ng mahigpit kay heneral.
Halos lahat ng narito ay nataranta, karamihan ay ang mga babae na hindi marunong makipaglaban.
"Antonio! Itago mo sila sa kwarto!" Sigaw agad ni itay habang kinukuha ang baril sa kalapit na sundalong nagbabantay.
Binigyan niya rin ng baril si heneral at don Alfonso.
"Tara na binibini, inay at doña Georgia"
Tulak sa amin ni heneral nang hindi kami umaalis sa aming pwesto.
"Binibini..." Nag-aalalang saad niya.
"Sige na Mara, Georgia. Sumunod na kayo kay Antonio... Masiyadong delikado kung mananatili kayo rito" si Don Alfonso.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. Kahit ayoko man na iwanan sila rito ay wala akong magagawa, kailangan ko pa ring isipin ang kaligtasan nila inay.
Kahit na nagsisiksikan ang mga tao sa loob para lang makalabas ay nakaakyat pa rin kami sa aking kwarto.
"Jusmiyo! Ano bang nangyayari!"
Hysterical na saad ni doña Mara nang makarating kami sa loob.
Tulala akong napatingin sa bintana, agad 'yong sinarado ni heneral saka muling lumapit sa akin.
"Dito lang kayo binibini, 'wag kayong lalabas" si heneral.
Mabilis akong napahawak sa kamay niya.
"Saan ka pupunta?" Pigil ko.
"Titingnan ko ang sitwasyon sa labas"
"Anak, 'wag na! Marami namang sundalo sa labas" pigil rin sa kaniya ng ina.
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...