Chapter 21

12 1 0
                                    

Chapter 21

"Tay, saglit lang po" pigil ko sa kaniya.

Huminto ito sa paglalakad at matalim ring tumingin sa akin.

"Dinala kita rito para matuto at ilayo sa mga Martinez na 'yon, hindi kita dinala rito para dalhin ka sa kapahamakan"

Kalmadong saad niya habang pinipigilan ang kaniyang sarili na sumigaw. Kinagat ko ang babang labi ko.

"Ayos lang po ako 'tay. Hindi naman rin po ako sinaktan ng mga rebelde"

"Bakit? Hihintayin mo pa bang saktan ka ng mga rebelde bago ka umuwi sa atin?" Seryosong tanong niya.

Mabilis akong umiling. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin.

"Isa palang malaking katangahan na dalhin ka rito... Hindi sana kita ipinagkatiwala sa taong hindi ka kayang protektahan" umiiling na saad niya.

"Heneral Alejandro, magpapaliwanag po ako"

Singit sa amin ni heneral Antonio na palihim kaming sinundan.

"Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa nangyari kay binibini..."

Kita ko ang pag-iwas ni itay sa kaniyang mga mata. Nakatiim ang mga panga niya na para bang kinokontrol pa rin ang kaniyang sarili.

"Pero sana po ay mabigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon para ipakita sa inyo na kaya kong protektahan ang anak niyo" matapang na saad ni heneral.

Bumalik ang paningin sa kaniya ni itay na para bang kinukutya na si heneral sa kaniyang isip. Napalunok ako dahil sa tensyon...

"Aaminin kong nadismaya ako sa 'yo... Ngunit alam mo bang mas nadismaya ako sa aking sarili? Dahil hinayaan ko ang sarili ko na ipagkakatiwala ang kaligtasan ng anak ko sa 'yo."

"Heneral, paumanhin po"

"Hindi ko na hahayaan maulit pa 'yon hijo. Tapos na ang usapan natin ngayon. Alejandria! Sumakay ka na!" Utos niya sa akin.

Lito akong napatingin sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung susunod ba ako kay itay o hahayaan si heneral na i-explain pa ang kaniyang sarili sa matanda.

"Alejandria!" Pukaw niya sa aking atensiyon.

"Heneral, ipapangako ko po sa inyo na gagawin ko ang aking makakaya para maprotektahan si Alejandria" habol niya

"Ito na ang pangalawang beses na napahamak ang anak ko, hindi ba? Ang una ay nangyari sa bayan. Ang pangalawa ay nangyari sa kampo, sa kampong nagsilbi bilang inyong tahanan... Ngayon, paano mo ako kukumbinsihin na ipagkatiwala muli sa 'yo ang anak ko kung nabigo ka na sa dalawang pagkakataon Antonio?"

Hindi ako nakaimik sa punto ni itay. Kahit na si heneral ay hindi rin nakasagot.

"Tayo na Alejandria! Malayo pa ang ating lalakbayin"

Binuksan ni itay ang pintuan ng sasakyan para papasukin ako roon. Wala na rin akong nagawa para suwayin pa siya...

Sumunod ako sa kaniya ngunit bago pumasok sa loob ay tiningnan ko muna ang nanghihina na si heneral. Ngumiti ako sa kaniya at tumango...

We can still convince my father but I think not now. Alam kong maraming bumabagabag sa kaniyang isip at ang pagkukumbinsi sa kaniya ngayon ay hindi makakatulong.

Pumasok na ako sa loob at hinayaan ang itay na isarado 'yon. Pero bago kami umalis ay mabilis na kumilos si heneral at kinatok ang bintana ni itay.

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya 'yon binuksan.

"Nagmamahalan po kami ng inyong anak. At... at..." tumingin muna siya sa akin bago itinuloy ang sasabihin niya.

"Papanagutan ko po ang nangyari sa amin..." laglag panga ko siyang tiningnan.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon