Chapter 15

12 2 0
                                    

Chapter 15

"Doktor ka?" Seryosong tanong niya.

Inayos niya ang pagkabitbit sa bata at muling naglakad.

"Nag-aaral pa lang" sagot ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa hindi ko alam na lugar.

"Hindi ka tiga rito?" Muli niyang tanong.

"Oo... Teka! Malayo pa ba tayo?" Nanghihina kong tanong.

Pagod na ako sa kakalakad. Hindi pa ako nahihimasmasan sa mga putok ng baril kanina pero eto ako ngayon, sumasama sa taong hindi ko naman kilala.

"Malapit na tayo, nakikita mo ba ang mga ilaw na 'yon?" Tumango ako sa kaniya "Doon na tayo" dugtong niya.

Palapit palang sa lugar na 'yon ay rinig ko na agad ang iyak ng isang babae, marami ang taong nakapalibot sa kaniya.

"Ang anak ko! Ang anak ko!" Pag-uulit niya.

Napatingin ako sa bata, kung hindi ako nagkakamali ay 'yun ang boses ng ina niya kanina!

Pero paanong nalaman ng lalaki na ito kung saan sila nakatira?

"Aling Belen" tawag ng lalaki sa babae.

Kumunot ang noo ko, magkakilala sila?

"Benedict! Anak ko!" Tiling sigaw niya nang makita ang batang dala namin.

Lumapit sa kaniya ang lalaki at dahan dahang ibinigay ang nawawalang anak sa kaniyang magulang.

Mahigpit niya itong niyakap na para bang hindi niya ito kayang pakawalan.

Tahimik akong ngumiti "Ikaw binibini, saan ka tumutuloy?" Tanong ng lalaki nang makabalik sa tabi ko.

Hinayaan namin ang magkakapamilya na damhin ang isa't isa.

"Malapit lang ba dito ang kampo?" Tanong ko sa kaniya.

Naalala na may mga kasama rin pala ako at baka nag-aalala na rin kung nasaan ako ngayon.

"Sa kampo? Doon ka nakatira ngayon?" Kuryusong tanong niya.

Tumango ako "Oo, kailangan ko na rin makabalik roon. Baka hinahanap na nila ako"

Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga pero kalaunan ay naging kalmado ito, kumunot ang noo ko dahil sa nasaksihan pero ipinagsawalang-bahala nalang.

"Malayo pa rito ang kampo, kung gusto mo ay ihahatid na kita gamit ang sasakyan" alok niya sa akin.

Hindi ako tumanggi dahil may sasakyan, malayo rin ang nalakad namin kanina kaya pwede pa akong makapagpahinga habang bumabiyahe.

"Ginoong Eli!" Napalingon kaming dalawa nang hilahin ni Aling Belen ang kamay ng lalaking nasa harap ko.

"Maraming salamat ginoong Eli sa pagdala mo sa aking anak ng ligtas!"

Ngumiti sa kaniya ang ginoo.

"Walang anuman aling Belen, ginawa ko lang ang nararapat at hindi lang ako ang nagdala sa kaniya rito. Kung may papasalamatan kayo ng lubos ay dapat kay binibini, dahil siya ang matapang na pumunta kay Benedict ng nag-iisa ito"

"Binibini, maraming salamat sa 'yo at ligtas na nakauwi ang anak ko" baling niya sa akin.

Ngumiti ako "Walang anuman po, may daplis po ang inyong anak sa tagiliran. Kung kaya niyo pong linisan ngayon ay mas maganda para hindi magkaroon ng impeksyon"

"Oo, binibini. Lilinisan na namin, maraming salamat muli. Kung hindi mo mamasamain, nais sana naming malaman ang 'yong pangalan?"

"Alejandria po" magalang kong sagot.

Letter On TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon