Chapter 5
"Isang karangalan ang makilala ka Dr. Jefferson Martinez, ako si Heneral Antonio Dela Vega. Isang sundalo at nakapagtapos rin sa medisina"
Pagpapakilala rin ni lolo Antonio at tinanggap ang kamay nito.
"Ikinagagalak kong makilala ka." Saad ni Jefferson.
Muli itong tumingin sa akin, alam kong may laman 'yon at hindi ko matukoy kung ano.
"Nabanggit na ng ating mga sundalo ang ginawa mo para sa kanila kahapon, salamat sa 'yong tulong. Kung wala ka ay baka mas lumala pa ang ibang sugat" muli niyang focus kay lolo Antonio.
"Walang anuman, karapat-dapat lang ang aking ginawa dahil serbisyo ko ang paglingkuran sila at ang bayan" tumingin sa akin si lolo Antonio.
"At hindi ko rin magagawa ng maayos ang aking trabaho kung hindi ako tinulungan ng binibini na'to sa aking tabi" mahina akong umubo nang idawit niya ako sa kanilang usapan.
Pareho silang tumingin sa akin kaya naman ay napayuko ako.
"Binibining Alejandria..." Sambit ni Jefferson. "Hindi ko alam na marunong kang manggamot?" Hindi ko alam kung sarkastiko ba 'yon.
Tumingala ako para tingnan ang reaksyon na 'yon, pero tanging seryosong mukha niya lang ang nakita ko.
"May alam siya. Akala ko nga ay ikaw ang nagturo sa kaniya dahil ikaw lang naman ang doktor na narito pero base sa 'yong salita ay mukhang hindi siya galing sa 'yo" Lolo Antonio said.
Tumikhim ako, hinanda ang aking sarili na magsalita.
"Heneral Antonio, tayo na ho sa kabilang silid. Baka hinihintay na nila tayo" aya ko sa kaniya.
Tumango ito "Aasahan ko ang lagi nating pagkikita ginoo. Pupunta rin kami sa kabilang silid para tingnan ang mga sundalo roon" paalam niya.
Sa pagtalikod namin ay muling nagsalita si Jefferson.
"Kung hindi mo mamasamain heneral, nais ko lang malaman kung nasa gabay mo ba si binibining Alejandria habang narito ka? Dahil kung hindi ay kukuhain ko sana siya para sanayin at tulungan ako sa panggamot" sa pangalawang pagkakataon ay umubo muli ako.
Mahinang humalakhak si lolo Antonio at nagsalita.
"Ngayon palang ay gusto ko nang humingi ng paumanhin sa'yo. Sa akin siya ipinagkatiwala ni heneral Alejandro at hindi ko gustong baliin 'yon. Pasensiya na, kailangan ko rin'g kuhain ang loob ng heneral"
Dahan dahang tumango si Jefferson. Ang kaniyang mga mata ay pumirmi muli sa akin.
"Sayang, kung nalaman ko sa una palang na marunong siya ay sana nakuha ko na siya"
Umigting ang panga niya pagkatapos sabihin 'yon pero kalaunan ay ngumiti rin, isang pekeng ngiti.
Kibit balikat siyang sinagot ni lolo Antonio "Mauuna na kami ginoo" muling paalam niya.
Pinunasan ko ang butil ng pawis sa aking noo nang makaalis kami sa kwartong 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako.
Ayaw ko mang magtagal dito sa mundo nila pero ang kuryosidad ay unti unting bumalot sa akin.
"Ayos ka lang ba binibini?" Tanong ni lolo.
Hindi ko ito sinagot, mabilis akong naglakad patungo sa isa pang silid. Nilibot ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang taong hinahanap ko.
"Binibini" mahina niyang saad.
"May nais akong itanong" derektang saad ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya pero kalaunan ay ngumiti "Nagkita na kayo ni Jefferson?" Hinuha niya.
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Historical FictionAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...