Chapter 27
"Fernando, pwede bang bantayan mo muna ang binibini habang wala pa ako sa kubo?" Habol ko sa kaibigan habang hindi pa ito tuluyang nakakalabas.
"Opo heneral" Tumango siya sa akin saka umalis.
Ilang segundo kaming nanahimik bago magsalita muli.
"Heneral Lucio, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Si kapitan Gomez na ngayon ay nilalaro na ang kaniyang baso habang nakangisi sa akin.
Umiling ako sa kaniya habang si heneral Lucio naman ay ngumisi na rin.
"Akala ko ay ako lang ang nakapansin..." Sagot niya sa kapitan.
"Amoy na amoy ko ang pag-ibig heneral."
"Siraulo..." Umiiling na saad ko kay kapitan Gomez.
Pareho silang humalakhak, ibinigay sa akin ni heneral Lucio ang baso na may alak na siya namang tinanggap ko kaagad.
"Siya ba ang nakatakda sa 'yo?" Si heneral Lucio na ngayon ang nagtanong.
"Hindi..."
"Pero hindi ba't isa siyang Apostol?" Gulat na saad ni kapitan sa sagot ko.
Tumango ako "Oo, isa siyang Apostol ngunit sa panganay nila ako nakatakda"
Pareho silang natahimik at nagkatitigan. Ako naman ngayon ang ngumisi dahil sa kanilang reaksyon.
"Pero paano 'yon? Si binibining Alejandria ang iniibig mo ngunit sa iba ka nakatakdang magpakasal" problemadong saad ni kapitan.
Nilagok ko ang alak na binigay sa akin heneral Lucio. Ang init non ay mabilis na dumantay sa aking lalamunan papunta sa sikmura.
"Huwag mong alalahanin 'yon kapitan. Magagawan yan ng paraan ni heneral Antonio, siya pa ba?" Pag-aalo niya sa aming kaibigan.
Tama siya, ito rin ang dahilan kung bakit ako napapayag ni heneral Alejandro na isama ang kaniyang anak sa akin.
Bukod sa gusto kong makasama ang binibini rito kahit na mapanganib... Ay gusto ko rin na makuha ang loob ni heneral Alejandro para mapapayag ko siya na ang bunsong anak niya ang papakasalan ko.
"Heneral Tonyo!" Bungad sa akin ni Fernando habang naghihintay ito sa labas ng kubo.
"Pasensiya na Fernando kung ikaw ang napagbilinan ko ngayon."
"Ayos lang heneral, malapit lang rin naman ang kubo niyo sa aming mag-asawa" nakangiti niyang saad.
"Maraming salamat... Huwag kang mag-alala, humingi na rin ako ng isang tao na magbabantay sa kaniya habang wala ako rito"
"Walang anuman heneral. Paano po? Maiiwan ko na kayo rito..." Paalam niya sa akin na mabilis ko namang tinanguan.
Pagkapasok palang sa loob ng kubo ay agad ko siyang hinanap. Nakita ko siyang mahimbing nang natutulog sa kama.
Wala sa sariling napangiti ako, nilapag ko ang mga bag na dala niya sa kwartong inukupa niya at marahang lumapit sa kaniya.
Hinawi ko ang ligaw na mga buhok sa kaniyang mukha.
Hinawakan ko ang dibdib ko, hindi pa rin nawawala ang mabilis na kabog dito sa tuwing nakikita ko siya.
Mas lalo akong nahuhulog sa kaniya kumpara noong una naming pagkikita. Hindi ko alam kung bakit, wala naman akong sakit pero ang lakas parin ng epekto niya sa akin.
Umayos ako ng tayo saka inayos ang kaniyang kumot. Aalis na ako bago pa ako hindi makapagpigil dito.
"Heneral!..." Sigaw sa akin ni kapitan Gomez.
![](https://img.wattpad.com/cover/322722655-288-k438671.jpg)
BINABASA MO ANG
Letter On Time
Исторические романыAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...